Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan ItoHalimbawa

Seek God Through It

ARAW 9 NG 10

Ano ang pinagtutuunan mo ng pansin? Nagbibigay ba ito sa iyo ng kapayapaan?

Mahalagang pag-aralan kung ano at sino ang binibigyan natin ng karamihan sa ating pansin. Ang Diyos? Social media? Mga kaibigan at pamilya? Asawa/kasintahan?

Kailangan natin ng regular na pagsusuri gaya ng ibinibigay ng Apple sa mga gumagamit ng Iphone na nagsasabi sa atin kung gaano katagal ang ginugugol natin sa ating mga telepono, ilang beses nating sinasagot ang ating telepono, at gaano katagal ang ginugugol natin sa social media.

Hindi ko alam sa inyo, ngunit labis akong natutuwa kapag nakita kong bumababa ang aking porsyento! lol

Sa totoo lang, mas maraming oras ang ginugugol natin sa ating telepono kaysa sa Diyos. Sa madaling salita, gumugugol tayo ng oras sa mga bagay at tao na hindi makapagbibigay ng ating pinakamalalim na pangangailangan, ng kapayapaan, kaysa sa Diyos.

Sa panahon ng mga pagsubok, napakadaling mahulog sa bitag ng paghahanap ng isang bagay na maaaring maging isang libangan. Ito ay tinatawag na pagtakas. Madalas na hinahanap natin ang mga bagay na pinaniniwalaan natin na makakatulong sa atin na hindi tumuon sa ating sakit. Ang mga bagay na ito ay hindi kailanman nagbibigay ng kapayapaan, kundi nagbibigay ng isang pakiramdam ng kaginhawaan, na nagdudulot sa atin na gumugol nang mas maraming oras sa mga bagay na iyon kaysa sa Diyos.

Nakamit natin ang buong mundo sa ating mga palad. Subalit nawala ang kapayapaan sa ating kaluluwa.

Araw 9:

  • Sino ang pinagtutuunan mo ng pansin?


Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Seek God Through It

Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Brionna Nijah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.brionnanijah.com