Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan ItoHalimbawa
Sa ating likas na pag-iisip, maaaring mahirap na isipin na kung hahanapin natin ang Diyos, kahit papaano ay mas bubuti ang buhay. Hindi iyan ang sagot na gusto natin. Ang gusto natin ay sa oras na tayo ay tumigil sa panalangin sa unang pagkakataon na ang ating sitwasyon ay mapupuksa. Gusto natin na nasa ating paligid ang kapayapaan upang magkaroon tayo ng kapayapaan sa ating loob.
Sinasabi ng Diyos na bibigyan Niya tayo ng kapayapaan sa loob kahit na walang kapayapaan sa ating paligid. Ang pagkakaroon ng kapayapaan ay nangangahulugan na hindi tayo maapektuhan ng kung ano ang nangyayari sa labas. Ang Kanyang kapayapaan ang magbabantay ng ating puso at isipan.
Ang isang talatang laging humahamon sa akin ay noong sinabi ni Jesus na hanapin muna ang Kaharian ng Diyos, at ang Kanyang katuwiran, at ang lahat ng kailangan natin ay idadagdag sa atin. Iniisip ko: Gaano katagal ko dapat gawin iyan hanggang sa ibigay sa akin ang kailangan ko? Pagkatapos ng ilang araw, titigil na ako sa paghahanap sa Diyos.
Ang aking puso ay hindi tama. Kapag hinahanap mo ang Diyos para lang sa iyong sarili at hindi upang makilala Siya at makasama Siya, ang iyong pananampalataya ay hindi mananatili. Ang mga maling motibo ay hindi magbubunga kailanman ng isang gantimpala mula sa Diyos. Ang paghahanap para sa sarili ay hindi kailanman makapagpapalakas sa atin.
Nais ng Diyos na hanapin natin ang Kanyang mukha, hindi ang Kanyang kamay. Hanapin ang Kanyang puso, hindi ang Kanyang kapangyarihan. Sa tunay na paghahanap sa Kanya, natatamo natin ang masaganang buhay na ibinibigay ni Jesus.
Araw 4:
- Manalangin at sumamba.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.
More