Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan ItoHalimbawa

Seek God Through It

ARAW 3 NG 10

Naranasan no na ba at sinabi, "O Diyos, kung hindi Mo gagawin ito, hindi ko sigurado na magagawa ko ito"?

Kung minsan ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap sa gitna ng patuloy na kaguluhan at pagdurusa. Kahit na sa pagsusumikap na panatilihin ang pananampalataya, nakikita lamang natin ito na nawawala sa atin.

Tingnan natin ang babae na may problema sa pagdurugo. May ganoon na siyang problema ng 12 taon. Siya ay dumanas ng sakit ng 12 taon. Siya ay nagdusa ng 12 taon. Iniisip ko na marahil siya ay nanalangin at ipinanalangin ng ibang tao sa loob ng 12 taon.

Sinasabi ng Marcos 5:26 na siya ay labis na nagdusa, nagpatingin sa maraming doktor, at lalo lang lumala.

Nakikita kong maraming makakaugnay dito dahil, para sa ilan, parang ang buhay ay nagdadala lang ng mas maraming trauma. Kahit na sino ang ating kausapin—pamilya, mga kaibigan, mga espesyalista, mga pastor—ang sakit na nadarama natin ay lalo lang lumalala.

Ang babaeng ito ay gumawa ng isang desisyon sa kanyang nakatagong kaisipan. Naniniwala siya na kung hihipuin niya ang Kanyang damit, siya ay gagaling. Ang pananampalataya sa kanyang paghahanap ang nagpagaling sa kanya Nakipagsiksikan siya sa mga tao, ang kanyang sakit, at ang kanyang pagdurugo—ang kanyang traumatikong karanasan—upang makarating kay Jesus. 

Ang paghahanap sa Diyos ay hahantong lamang sa lugar, hindi sa isang lugar, kundi ANG lugar ng pagpapanumbalik at pagpapagaling.

May mga ilang bagay na hindi kayang ayusin, lutasin, o mapabuti ng inyong pastor, pamilya, mga kaibigan, at espesyalista. Tanging ang Diyos lamang ang makapagpapagaling sa iyo at sa akin. Ito ang kagandahan ng paghahahanap sa Kanya.

Araw 3:

  • Magtakda ng oras nang mag-isa upang sumamba, tunay na hinahanap Siya. 
  • Pagnilayan ang Marcos 5:25-34
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Seek God Through It

Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Brionna Nijah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.brionnanijah.com