Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan ItoHalimbawa

Seek God Through It

ARAW 6 NG 10

Ang paghahanap sa Diyos ay mahalaga. Ngunit, upang hanapin ang isang tao o isang bagay, kailangan mayroon kang ideya ng mga katangian nito. Ito ay totoo rin sa Diyos. Dapat alam natin ang mga katangian ng Diyos.

Hindi lamang tayo magkakaroon ng isang pangkaraniwang pagkakakilala sa kung Sino Siya batay sa kung ano ang narinig natin sa simbahan o kung ano ang narinig nating sinsasabi ng ibang tao.

Kapag tayo ay kumbinsido, na walang anumang anyo ng pagdududa, na ang Diyos ay isang tagapaglaan, isang mang-aaliw, na Siya ay nagmamalasakit sa atin, na nakikita Niya tayo, na ang Kanyang presensya ay ang ating buhay, at higit pa, tayo ay kikilos sa kapahayagang iyan. Ngayon, maraming mga tao ang magsasabi na sila ay kumbinsido, kahit na sila ay nakikipaglaban sa pag-aalala, depresyon, at mga damdamin ng pagsuko. Subalit kailangan nating maging kumbinsido sa parehong paraan na tayo ay kumbinsido tungkol sa kulay ng ating balat. Anuman ang sitwasyon, walang sinuman KAILANMAN ang makakapagkumbinsi sa atin na hindi ganoon ang ating balat. Alam natin, nang walang pagdududa, ang kulay ng ating balat. Alam natin, nang walang pagdududa, na tayo ay may isang pusong tumitibok at tayo ay may utak. Walang sinuman at walang anuman ang makakapakumbinsi sa atin na hindi totoo ito. 

Dapat din tayong maging kumbinsido na ang Diyos ay siyang sinasabi Niyang Siya. Ang mga pangako ng Diyos ay makabuluhan at aktibo pa rin.

Araw 6:

  • Pagnilayan kung sino ang Diyos.
Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Seek God Through It

Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Brionna Nijah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.brionnanijah.com