Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan ItoHalimbawa

Seek God Through It

ARAW 7 NG 10

Kailangan natin ng tahimik na oras—oras nang mag-isa na tayo lang kasama ang Dyos. Sa oras na ito dapat tayong nag-aaral ng Kanyang salita, nananalangin, at sumasamba. Hindi ito ang mga bagay na ginagawa ng mga "tao ng simbahan" o mahigpit na "utos ng mga relihiyon" kundi ito ang pagkakataon na tunay na makilala ang Diyos. 

Gusto kong bigyang diin ang pagkakataon dahil laging isang pribilehiyo ang makilala Siya.

Pag-isipan.

Alam Niya ang lahat ng bagay. Nauunawaan Niya ang lahat ng bagay. Ang kanyang karunungan ay DAKILA. Sa Kanyang presensya lamang may ganap na kapayapaan, kabuuan, at katahimikan. Kaya bakit hindi gumugol ng panahon sa Kanya na naibibigay ang ating malaking pangangailangan, na kapayapaan?

Ang walang patid na oras kasama ang Diyos sa araw-araw ay magbabago ng ating buhay. Maaari tayong maging katulad ni Jesus sa bangka, natutulog samantalang limalaki ang mga problemang nakapaligid sa atin..

Gumugol ng makabuluhang oras kasama ang Diyos ngayon. Subukang dagdagan ang oras na ginugol mo sa nakalipas na tatlong araw. Tingnan kung paanong nagbabago ang iyong isip at panloob na kapayapaan!

 Araw 7:

  • Manalangin at sumamba nang walang pagkagambala.
Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Seek God Through It

Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Brionna Nijah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.brionnanijah.com