Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan ItoHalimbawa

Seek God Through It

ARAW 8 NG 10

Ang kapayapaan ng Diyos ay isang pangako, at bawat pangako ng Diyos ay nakakabit sa isang prinsipyo. Dapat nating turuan ang ating sarili na huwag mag-alala. Binabanggit ng Biblia ang dalawang malalalim na bagay tungkol sa kapayapaan. Sinasabi nito: Ang kapayapaan na hindi kayang maunawaan ng tao (Mga Taga-Filipos 4:7) at lubos na kapayapaan (isaias 26:3). 

Kapag binabasa ang mga nakapagpapalakas-loob na mga talatang ito nang hindi nauunawaan kung paano ipamuhay ang mga ito, madali tayong babalik sa kung ano ang alam natin: pag-aalala.

Sinasabi ni Pablo sa atin na huwag mabalisa o magkaroon ng kabalisahan tungkol sa anumang bagay. Sa ating kultura ngayon na may kamalayan sa kalusugan ng isip, ang kaniyang mga pahayag ay maaaring tila katawa-tawa o luma na. Ngunit pagkatapos ay sinabi niya, sa lahat ng bagay. Hindi sa ilang bagay, kundi sa lahat, ng bagay, sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat, ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos. (Filipos 4:6 ABTAG)

Kapag ginagawa lamang natin ang sinasabi sa atin ng kasulatan na ang kapayapaan ng Diyos na higit sa lahat ng pagkaunawa ng ating mga kakayahan sa pag-iisip ay magbabantay sa ating mga puso at isipan kay Cristo Jesus.

Higitan, sa Griyego, ito ay nangangahulugan na maging mahusay at lumampas. Ito ay nangangahulugan na ang kapayapaang ito na ibinibigay ng Diyos ay higit pa sa ating pagkaunawa. Ito ay nangangahulugan na ang Kanyang kapayapaan, na tanging Siya lamang ang makapagbibigay, ay hindi makatuwiran sa tao o sa natural. Hindi lamang iyon, kundi ang Kanyang kapayapaan ay nagbabantay—gaya ng ginagawa ng isang firewall o software ng anti-virus sa isang computer—sa ating mga puso, at isipan kay Cristo Jesus. Ang Kanyang kapayapaan ay humaharang sa mga virus mula sa mundong ito na sumusubok na pahinain ang ating loob. 

Ang tanging paraan upang paganahin ang pangakong ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya na kapag tayo ay nananalangin at inilalagay ang ating mga kabalisahan sa harapan ni Jesus, hindi lamang tayo naririnig ng Diyos kundi magbibigay ng lunas sa anyo ng Kanyang kapayapaan na higit sa lahat ng pagkaunawa.

Araw 8:

  • Pagnilayan ang Kanyang Kapayapaan.

 

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Seek God Through It

Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Brionna Nijah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.brionnanijah.com