Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan ItoHalimbawa

Seek God Through It

ARAW 2 NG 10

Nakikita ka ng Diyos. Parang alam mo na ito, ngunit hindi, talagang nakikita ka Niya. 

Nakikita Niya kapag tayo ay nasasaktan. Nakikita Niya ang ating sakit, ating mga lihim na takot, ating mga kabiguan, ating mga mithiin, ating mga pagkadismaya, ating galit, ating pekeng mga ngiti, ating pekeng mga pagtawa. Nakikita Niya ang bawat kaabusuhang dinanas natin. Hindi Siya bulag, at hindi Niya ipinagsasawalang-bahala ang ating mga daing.

Isa sa mga paborito kong talata ay angMga Awit 56:8 RTPV05 "Ang taglay kong sulirani'y nababatid mo nang lahat, pati mga pagluha ko'y nakasulat sa iyong aklat. "

Minsan gusto ko lang balikan ang talatang iyan at ipaalala sa aking sarili na ang aking mga luha ay hindi sayang. Na itinuturing ng Diyos ang tao na napakahalaga na mismong ating mga luha ay nakalagay sa mga botelya at nakasulat sa Langit.

Kahit hindi tayo makapagsalita, ang ating mga luha ay nangungusap ng mga salitang Diyos lamang ang makakaunawa. 

Kaya kapag hinahanap natin ang Diyos, hindi natin Siya hinahanap mula sa posisyong kailangan nating pagsumikapang kunin ang Kanyang atensyon, kundi mula sa posisyong nasa atin na ito.

Nasa atin na ang Kanyang atensyon. Tayo ay nasa Kanyang pag-iisip na.

Posible na magkaroon ng kapayapaan sa kaguluhan. Alam kong kakaiba itong isipin, pero posible ito.

Ang unang bagay na dapat nating gawin ay kilalanin kung sino Siya. Sa totoo lang, hindi natin mahahanap ang isang taong hindi natin kilala, o pagtiwalaan ang isang taong hindi natin kilala.

Kung alam ko, nang walang anumang pag-aalinlangan, na ang Diyos ay isang tagapagkaloob—na Siya ay magkakaloob, at ako ay maaaring magkaroon ng kapayapaan sa aking kasalukuyang sitwasyon—iba ang magiging saloobin ko sa pagsamba at panalangin. Hindi ko ito ituturing na isang tungkuling pangrelihiyon, kundi isang pagkakataong mapalakas at mapunuang muli sa Kanyang kapayapaan.

Marami sa atin ang magsasabing: Ngunit naniniwala ako na Siya ay tagapagkaloob.

Ang aking tugon: Kung naniniwala tayo rito, bakit tayo nag-aalalaa? 

Hindi ko kailangang mag-alala sa anumang bagay na alam kong ibinigay na, mag-aalala lang ako kung hindi ako sigurado.

Kung humiling ako sa isang taong alam kong gagawa nang tama at lubusan para sa akin, hindi ako mag-aalala. Hindi ako mag-aalala dahil ang taong ito ay NAPATUNAYAN ko na. Alam kong mapagkakatiwalaan ko sila.

NGUNIT.

Kung humiling ako sa isang taong wala akong kaugnayan na gumawa ng isang bagay para sa akin, hindi ako siguradong magagawa niya ito. Umaasa lang akong sana kaya nila. Ako ay nag-iiwan ng puwang para sa pag-aalala. 

Araw 2:

  • Sambahin ang Diyos araw at gabi.
  • Pagnilayan kung sino Siya.
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Seek God Through It

Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Brionna Nijah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.brionnanijah.com