Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-Araw na Debosyonal ng Pasasalamat ni Paul TrippHalimbawa

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

ARAW 12 NG 12

Kapag inisip mo ang panalangin, anong dumarating sa isip mo? Kapag ikaw ay nananalangin, anong gusto mo mula sa Diyos? Anong mga kahilingan ang nangingibabaw sa iyong buhay-panalangin?

Ang tunay na panalangin ay nangyayari sa sangandaan ng pagsuko at ng pagdiriwang. Ang panalangin ay mas malalim pa sa pagbibigay sa Diyos ng isang tala ng iyong mga ninanais at sa pagsasabi mo sa Kanya kung gaano kang nagpapasalamat dahil nariyan Siya at may kapangyarihang magbigay. Ang ganitong uri ng panalangin ay naglalagay sa iyo sa gitna at, sa totoo lamang, ito ay naglalagay sa Diyos sa posisyon ng isang banal na tagapagsilbi. Hindi Siya ang gusto mo. Hindi ang Kanyang karunungan ang nakikita mong kailangan mo. Hindi ang Kanyang biyaya ang minimithi ng iyong puso. Ang panalangin kung saan may tala ng mga ninanais mo ay tila nagsasabing, "Alam ko kung anong pinakamabuti sa aking buhay at pahahalagahan ko, O Diyos, kung gagamitin mo ang Iyong lakas upang mangyari ito."

Ganito ang paraan ng iyong pananalangin kapag nakakalimutan mong ang Diyos, bilang Manlilikha at Tagapagligtas, ang higit na nakakaalam kaysa sa iyo patungkol sa talagang kinakailangan mo. Ngunit higit pa diyan, sa ganitong uri ng panalangin ay ipinapakitang ang buhay ay tungkol sa iyong mga ninanais, sa iyong mga pangangailangan, at sa iyong mga damdamin. Hindi ito panalangin. Sa totoong panalangin, isinusuko mo ang iyong pag-angkin sa buhay mo sa mas malaki at mas mahusay na mga plano at layunin ng Diyos. Ipinapasailalim mo ang iyong kalooban sa Kanyang kalooban. Hindi ito isang pagpirma ng Diyos sa iyong listahan, kundi ito ay ang iyong pagsusuko ng buhay mo sa Kanya.

At ang panalangin ay isang pagdiriwang. Sa panalangin, tinatamasa mo ang kahulugan ng pagkakaroon ng isang Ama sa langit. Natatagpuan mo ang kagalakan sa katotohanang pinili ka Niya upang ibigay ang Kanyang kaharian. Namamangha ka sa katotohanang pinakakawalan Niya ang kapangyarihan Niya upang katagpuin ang iyong mga pangangailangan. Nagbubunyi ka sa pagpapatawad, sa pagliligtas, sa pagbabago, sa pagbibigay ng kakayahan, at sa pagbibigay ng biyaya. Nakakatagpo ka ng kagalakan na ikaw ay kasama sa kanyang gawain ng pagtubos. Nakakatagpo ka ng pag-asa sa maluwalhating kinabukasan na paparating. Namamangha ka sa katotohanang dahil ang Immanuel ay nasa buhay mo sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, hindi ka kailanman, kahit kailan nag-iisa. Nakakatagpo ka ng kapayapaan sa katotohanang ang kahulugan ng biyaya ay hindi ka kailanman maiiwan sa iyong sariling karunungan, katuwiran, at kalakasan. Magnilay ka sa kaluwalhatian at kabutihan ng Diyos, at pagkatapos ay magdiwang. Nagagalak ka sa katotohanang hindi mo na kailangang hanapin ang buhay sa mga tao, sa mga sitwasyon, at sa mga lugar sa paligid mo, kundi ikaw ay binigyan na ng buhay—isang buhay na walang hanggan.

May kasama bang paghiling mula sa Diyos sa tunay na panalangin? Oo naman. Hinihikayat tayo ng Diyos na ibigay lahat ng ating mga alalahanin sa Kanya, dahil tunay ngang nagmamalasakit Siya para sa atin. Ngunit ang mga kahilingan sa tunay na panalangin ay laging nakaugnay sa pagsuko at sa pagdiriwang. Ang pagsuko at pagdiriwang ang nag-iiwas sa ating mga kahilingan na maging mga makasariling paghingi o masaklap na pagrereklamo. Ang ganitong uri ng panalangin ay instrumento ng biyaya ng Diyos sa iyong buhay. habang inilalagay mo ang Diyos sa tamang kalagayan Niya at ipinagdiriwang mo ang iyong posisyon bilang Kanyang anak, ang panalangin ay nagiging instrumentong ginagamit ng Diyos upang palayain ka sa mga umaalipin sa iyo. Iyan ang biyaya!

Banal na Kasulatan

Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

Ang Araw ng Pasasalamat ay panahon upang alalahanin ang lahat ng mabubuting bagay na ibinigay ng Diyos sa atin. Ngunit kung minsan ang pagkahibang ng panahon ay humahadlang sa atin sa paggugol ng oras upang magpasalamat sa Diyos sa Kanyang maraming mga regalo. Sa nakahihikayat na mga debosyon mula kay Paul David Tripp, ang mga maiikling debosyon na ito ay tatagal lamang ng 5 minuto upang mabasa, ngunit hihimukin kang magnilay sa awa ng Diyos buong araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/