Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-Araw na Debosyonal ng Pasasalamat ni Paul TrippHalimbawa

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

ARAW 11 NG 12

Totoo ngang ang isa sa pinakamalaking kasalanan sa ating relasyon ay ang kasalanan ng pagkamalilimutin. Pag-aralan ang sumusunod na talinhaga ni Jesus:

Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso. Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad. Lumuhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa, "Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat." Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya. Ngunit pagkaalis roon ay nakatagpo niya ang isa niyang kamanggagawa na may utang na ilang daang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg, sabay sigaw, "Magbayad ka ng utang mo!" Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, "Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita." Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad. Labis na nagdamdam ang ibang mga tauhan ng hari nang malaman iyon, kaya't pumunta sila sa hari at isinumbong ang buong pangyayari. Ipinatawag ng hari ang malupit na lingkod. "Napakasama mo!" sabi niya. "Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?" (Mateo 18:23-33)

Lahat tayo ay maaaring maging makakalimutin. Maaaring hindi natin matandaan ang kahanga-hangang pagmamahal at kahabagan na ibinuhos sa atin. Maaari nating makalimutang lahat na hindi natin kayang gumawa upang maging karapat-dapat sa pinakamagagandang bagay na nasa buhay natin; ang mga ito ay nasa atin dahil lamang sa biyaya. Ito ang problema: kung gaano mong nakakalimutan ang biyayang ibinigay sa iyo, ganoon din kadali para sa iyong hindi magpaabot ng biyaya sa ibang tao. Kung paanong nakakalimutan mo kung paanong ikaw ay pinatawad, ganoon din naman kadali para sa iyong hindi magpatawad sa mga taong nasa buhay mo. Kung bigo kang dala-dalahin ang isang pusong may pasasalamat para sa pag-ibig na ibinigay sa iyo nang walang bayad, madali rin para sa iyong hindi magmahal sa iba.

Ito ay totoo at laging totoo na walang makapagbibigay ng biyaya nang higit pa kaysa sa isang taong lubos na naniniwalang kailangan niya ito sa sarili niya at ito ay ipinagkaloob ng Diyos ng kahabagan. Ibinibigay Niya ang hindi natin kailanman kayang matamo; bakit, kung ganoon, tumatanggi tayong magbigay sa ibang tao hanggang hindi nila naaabot ang anumang sukatan na itinakda natin sa kanila? Ang tawag upang magpatawad ay agad na naglalantad ng ating pangangailangan sa kapatawaran. Ang tawag upang magbigay ng biyaya ay nagpapahayag kung gaano natin kailangan ng biyaya. Ang tawag upang magpatawad ay isang tawag din upang alalahanin at magpasalamat. Kapag naaalala mo kung paano kang nagkulang, nagiging mahabagin ka sa mga taong nagkulang din, at nais mong makamtan nila ang kaparehong biyaya na siyang naging tanging pag-asa mo. Nawa ay bigyan tayo ng Diyos ng biyayang maalala ito at maging handang ibigay sa ibang tao ang ibinigay din sa atin.

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

Ang Araw ng Pasasalamat ay panahon upang alalahanin ang lahat ng mabubuting bagay na ibinigay ng Diyos sa atin. Ngunit kung minsan ang pagkahibang ng panahon ay humahadlang sa atin sa paggugol ng oras upang magpasalamat sa Diyos sa Kanyang maraming mga regalo. Sa nakahihikayat na mga debosyon mula kay Paul David Tripp, ang mga maiikling debosyon na ito ay tatagal lamang ng 5 minuto upang mabasa, ngunit hihimukin kang magnilay sa awa ng Diyos buong araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/