Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-Araw na Debosyonal ng Pasasalamat ni Paul TrippHalimbawa

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

ARAW 9 NG 12

Habang isinusulat ko ang mga katangian ng isang tunay na pag-ibig, "totoo, mapagpakumbaba, nagagalak, at matiyaga," ang puso ko ay napuno ng kalungkutan ng kahatulan. Naisip ko, "Ang pag-ibig ko ay madalas nabibigong maging totoo." Hindi, hindi ko ibig sabihin na totoo na parang paghahambing sa huwad. Hindi ko iniisip dito ang mapagkunwaring "Kikilos ako na parang mahal kita kahit hindi" na pag-ibig. Ang sinasabi ritong totoo ay nangangahulugang "tuwid," tulad sa kung paanong sinisigurado ng isang pumapana na tuwid ang pagtira niya sa kanyang palaso. Gusto niya ng isang lubos na tuwid na palaso upang kapag ito ay pinakawalan niya sa kanyang pana, hindi ito lilihis sa maling direksyon. Ang kahulugan ng totoo rito ay hindi nagbabago, maaasahan, at malamang ay hindi pupunta sa isang hindi magandang direksyon. Nakalulungkot, nagiging pabago-bago pa rin ang pagmamahal ko. Kapag may hindi umaayon sa akin, kapag may humahadlang sa aking plano, kapag ako ay napipilitang maghintay nang hindi ko inaasahan, o kapag may nakakakuha ng isang bagay na palagay ko ay karapat-dapat para sa akin, nakatutukso sa aking tumugon sa isang hindi-gaanong-mapagmahal na pamamaraan.

Ang ikalawang salita, mapagpakumbaba, ay siyang nagpapaliwanag kung bakit ganoon ang aking pagtugon. Kulang pa ako sa kapakumbabaan. Ginagawa ko pa rin ang buhay ko na tungkol sa aking plano, sa aking damdamin, sa aking mga ninanais, at sa aking mga inaasahan. Natutukso pa rin akong suriin ang pagiging "mabuti" ng isang araw base sa kung ito ay nakalugod sa akin laban sa kung nakalugod ako sa Diyos at naging mapagmahal sa ibang tao. Natutukso pa rin akong mabuhay na para bang pag-aari ko ang buhay ko at nabibigo pa rin akong maalalang ako ay binili sa malaking halaga. At ang lahat ng ito ay nagiging sanhi kung bakit ang pagmamahal ay nagiging pabigat sa halip na maging isang kagalakan, ang pangatlong naglalarawang salita. Talagang totoo na kapag ikaw ay nabubuhay para sa sarili mo, ang tawag upang mahalin ang ibang tao ay laging kabigatan para sa iyo.

Ang pinakahuling salita ay nagtuturo sa atin sa pinakamataas at pinakamahirap na pamantayan ng pag-ibig: matiyaga. Ang isang pag-ibig na hindi tapat ay isang pag-ibig na napakaliit ng halaga. Ang pag-ibig na nagbabagong kasama ng hangin ay hindi talaga pag-ibig. Ito ay pabago-bago at panandaliang pagkukunwari na mas nakakasama kaysa sa nakakabuti. Kaya nga ang tapat at walang hanggang pag-ibig ng Diyos ay isang napakalaki at nakakaaliw na kaginhawahan.

Ang tanong kung ganoon ay, "Saan sa mundong ito ako makakatagpo ng ganyang uri ng pag-ibig?" Ito ay hindi nakukuha mula sa pagbangon mo at pagsasabi sa sarili mong pagbubutihin mo sa susunod. Kung may ganitong uri ka ng kapangyarihan para sa pagbabago ng sarili, hindi na sana kakailanganin ang krus ni Jesu-Cristo. Ang tanging paraan upang makatakas ako mula sa pagkaalipin sa pagtutuon ng pagmamahal sa sarili ko ay at magsimulang mahalin ang iba ay ang mailagay sa akin ang pagpapatawad, pagpapalaya, pagbibigay ng kapangyarihan, at walang hanggang pag-ibig. Habang lalo akong nagpapasalamat sa pag-ibig na iyon, lalo akong nagkakaroon ng kagalakan sa pagbibigay nito sa ibang tao. Ang pag-ibig ng Diyos, na kusang-loob na ibinibigay, ang nagbibigay ng tanging pag-asa na maaari akong magkaroon ng pag-ibig sa puso ko na maibibigay ko nang may kagalakan.

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

Ang Araw ng Pasasalamat ay panahon upang alalahanin ang lahat ng mabubuting bagay na ibinigay ng Diyos sa atin. Ngunit kung minsan ang pagkahibang ng panahon ay humahadlang sa atin sa paggugol ng oras upang magpasalamat sa Diyos sa Kanyang maraming mga regalo. Sa nakahihikayat na mga debosyon mula kay Paul David Tripp, ang mga maiikling debosyon na ito ay tatagal lamang ng 5 minuto upang mabasa, ngunit hihimukin kang magnilay sa awa ng Diyos buong araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/