Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-Araw na Debosyonal ng Pasasalamat ni Paul TrippHalimbawa

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

ARAW 8 NG 12

Ito ay isa sa mga bagay na lahat tayo ay madalas na ginagawa. Hinahanap natin ang buhay sa lahat ng mga maling lugar. Hinahanap natin ang buhay sa pagtingin natin nang pahalang samantalang ang katotohanan ay matatagpuan lamang natin ang buhay kung tayo at titingin nang pataas. Kahit papaano, sa anumang paraan, tumitingin tayo sa nilkhang mundo upang bigyan tayo ng buhay. Dala-dala natin ang ating pansariling listahan ng mga "kung-sana ay." "Kung sana ay may-asawa ako, magiging masaya ako." "Kung sana ay may makuha akong trabaho, masisiyahan sana ako." "Kung sana ay mabibili natin ang bahay na iyon, palagay ko ay wala na tayong kahit anong gugustuhin pa." "Kung sana ay mas maayos ang aking buhay may-asawa, okay na sana ako." "Kung sana ay magiging maayos ang aking mga anak, magiging kontento na ako." "Kung sana ay makakamit ko ang ____, wala na akong gugustuhin pa." "Kung sana ay mas matatag ang ating pananalapi, hindi na sana ako magrereklamo."

Anuman ang nasa kabilang dulo ng iyong "kung-sana" ay doon ka naghahanap ng buhay, kapayapaan, kagalakan, pag-asa, at pangmatagalang kasiyahan ng puso. Ang problema ay patuloy kang gumagastos sa mga bagay na hindi makakapuno sa iyo at masyado kang nagtatrabaho upang makuha ang mga bagay na hindi makakasiya sa iyo. Ito ay isang napakalaki at mapaminsalang kaguluhang espirituwal na mag-iiwan sa iyong isang mataba, gumon, nasa pagkakautang, at isang pusong hindi pa rin nasisiyahan. Bakit? Dahil hindi kailanman magiging tagapagligtas mo ang mundo. Itong pisikal at nilikhang mundong ito, kasama na ang mga nakikita, naririnig, mga lugar dito, mga karanasan, at mga kaugnayan, ay walang kakayanang magbigay ng kasiyahan sa iyong puso. Ang pisikal na mundong ito ay dinisenyo ng Diyos upang maging isang malaking daliring magtuturo sa iyo sa tanging lugar kung saan ang puso mo ay makakatagpo ng kasiyahan at kapahingahan. Ang iyong puso ay magkakaroon lamang ng kapahingahan kapag natagpuan nito ang kapahingahan sa Diyos, at tanging sa Diyos lamang.

Kaya sinasabi ni Jesus, "Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan! Gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nawawala. Doo'y walang magnanakaw na pumapasok at insektong sumisira" (Lucas 12:33). Saan mo ikakawit ang puso mo ngayong araw na ito sa pag-asang ito ang magbibigay sa iyo ng buhay? Saan ka hahanap ng kapayapaan at kapahingahan para sa iyong puso? Anong aabutin mo upang mabigyan ka ng pag-asa, kalakasan ng loob, at isang dahilan upang magpatuloy? Saan ka hahanap sa sangkalikasan upang subukan mong makuha yaong tanging ang Manlilikha lamang ang makapagbibigay sa iyo? Anong tinapay ang bibilihin mo ngayon na hindi kailanman makapupuno sa iyong espirituwal na tiyan?

Bakit nagkukumahog kang maghanap sa sangkalikasan upang bigyan ka ng naibigay na sa iyo dahil ikaw ay na kay Cristo? Bakit hihingin mo sa wasak na mundong ito na ito ay maging tagapagligtas mo samantalang naparito si Jesus bilang Tagapagligtas mo upang ibigay sa iyo ang lahat ng iyong mga kinakailangan sa pamamagitan ng Kanyang biyaya?

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

Ang Araw ng Pasasalamat ay panahon upang alalahanin ang lahat ng mabubuting bagay na ibinigay ng Diyos sa atin. Ngunit kung minsan ang pagkahibang ng panahon ay humahadlang sa atin sa paggugol ng oras upang magpasalamat sa Diyos sa Kanyang maraming mga regalo. Sa nakahihikayat na mga debosyon mula kay Paul David Tripp, ang mga maiikling debosyon na ito ay tatagal lamang ng 5 minuto upang mabasa, ngunit hihimukin kang magnilay sa awa ng Diyos buong araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/