Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-Araw na Debosyonal ng Pasasalamat ni Paul TrippHalimbawa

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

ARAW 7 NG 12

Sandali kang mag-isip kasama ko. Ibinubuhay mo ba ang isang buhay ng pagpapala o pagrereklamo? Napakadaling magmaktol. Napakadaling makakita ng pagkakamali. Napakadaling mawalan ng pagkakontento. Napakadaling makita ang mga bagay nang mas maliit kaysa sa ninanais mo rito. Napakadaling mainis at mawalan ng pasensya. Napakadaling dumaing at managhoy sa kahirapan ng buhay. Napakadaling hindi masiyahan.

Bakit napakadali ng mga bagay na ito? Napakadali nila dahil ang kasalanan ay siya pa ring sanhi upang ang lahat ng mga bagay ay gawin nating patungkol sa atin. Dahil ang kasalanan ay tunay ngang pagiging makasarili sa kaibuturan nito, at lahat tayo ay pinaliliit ang ating mga mundo sa ating mga gusto, sa ating pangangailangan, at sa ating mga damdamin. At pagkatapos ay hinahatulan natin ang mabuti sa ating mga buhay ayon sa kung gaano sa ating mga ninanais ang nakakamit natin talaga. Sa pangkaraniwang antas, nakatutuksong mamuhay na kinalilimutan-ang-Diyos, at mabuhay ng tungkol-sa-akin. Kapag inilagay mo ang iyong sarili sa gitna ng mundo mo, marami kang makikitang mairereklamo.

Totoo rin na nabubuhay ka sa isang makasalanang mundo kung saan ang mga tao at mga bagay ay hindi kumikilos ng ayon sa paraang nilalayon sa kanila ng Diyos. Ang mundong ito ay wasak na wasak na. Ang buhay dito ay napakahirap. Kinakaharap mo ang lahat ng uri ng paghihirap, malalaki at maliliit. Binibigo ka ng mga tao. Pinahihirap nila ang buhay mo. May mga hadlang na nasa daraanan mo. Sa ilang paraan, ang pagkawasak ng mundong ito ay pumapasok sa pinto mo araw-araw. Pagsamahin mo ang kahirapan ng buhay sa makasalanang mundo at ang pagkamakasarili ng kasalanan at ang resulta ay kapahamakan, o kung hindi man ay isang miserableng buhay ng walang pagkakontento.

Ang Biblia ay hindi tinitingnan ang pagmamaktol at pagrereklamo na maliliit na bagay. Sa Deuteronomio 1, isinalaysay ni Moises kung paanong ang mga Israelita ay "bumubulung-bulong" (nagrereklamo) tungkol sa kanilang mga buhay, at nakapaloob sa mga pagbubulong na iyon ay ang mga pagtatanong tungkol sa kabutihan at karunungan ng Diyos. Sa paningin ng Diyos, sa pagrereklamo ng mga tao ay nagrebelde sila laban sa Kanya; ipinakita nilang ayaw nilang gawin ang mga bagay kung saan sila ay tinawag at binigyang-kapangyarihan ng Diyos. Ang kagalakan o pagrereklamo sa inyong puso ay laging humuhubog sa inyong pagpayag na magtiwala sa Diyos at gawin ang kalooban Niya.

Nakakalimutan ng pagrereklamo ang biyaya ng Diyos. Winawalang-bahala nito ang Kanyang presensya. Hindi nito nakikita ang kagandahan ng Kanyang mga pangako. Hinahayaan nitong hindi mapansin ang pagpapakita ng Kanyang kaningningan sa kalikasan. Nagtatanong ito patungkol sa Kanyang kabutihan, katapatan, at pag-ibig. Iniisip nito kung Siya nga ay naroon at kung Siya ay nagmamalasakit. Kung naniniwala ka sa Diyos at sa Kanyang kapamahalaan sa lahat ng narito, kailangang tanggapin mo ring ang lahat ng iyong pagrereklamo ay pagrereklamo laban sa Kanya. Oo, napakadaling magreklamo. Napakadaling makalimutan ang araw-araw na pagpapalang dumarating sa bawat isa sa atin. Ang kahandaan nating magreklamo ay isa pa ring pangangatwiran para sa mapagpatawad at nagliligtas na biyaya na walang pagrereklamong ibinigay ni Jesus, sa Kanyang pagkamatay.

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

Ang Araw ng Pasasalamat ay panahon upang alalahanin ang lahat ng mabubuting bagay na ibinigay ng Diyos sa atin. Ngunit kung minsan ang pagkahibang ng panahon ay humahadlang sa atin sa paggugol ng oras upang magpasalamat sa Diyos sa Kanyang maraming mga regalo. Sa nakahihikayat na mga debosyon mula kay Paul David Tripp, ang mga maiikling debosyon na ito ay tatagal lamang ng 5 minuto upang mabasa, ngunit hihimukin kang magnilay sa awa ng Diyos buong araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/