Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-Araw na Debosyonal ng Pasasalamat ni Paul TrippHalimbawa

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

ARAW 5 NG 12

Ito ay isa sa mga bagay na nasa teolohikal na balangkas natin, ngunit hindi tayo nabubuhay na para bang pinaniniwalaan natin ito. Lahat tayo ay nagsasabing naniniwala tayong hindi ito ang lahat. Sinasabi nating talagang naniniwala tayo na may buhay pa kapag itong buhay na ito ay natapos. Ang ating pormal na teolohiya ay nagtataglay ng katotohanan ng isang bagong langit at isang bagong lupa na paparating. Ngunit nabubuhay tayo nang may kabalisahan at pagmamadaling sanhi ng paniniwalang ang mayroon tayo ay ang sandaling ito lamang.

Narito ang tunay-na-buhay at pangkaraniwang problema: kapag hindi mo pinanatiling nakatuon ang mga mata ng iyong puso sa paparating na paraiso, pipilitin mo ang kaawa-awa at makasalanang mundo ito na maging paraiso na kailanman ay hindi mangyayari. Sa puso ng bawat nilalang ay ang pag-asam sa paraiso. Ang pag-iyak ng isang batang nadapa ay isang pag-iyak para sa paraiso. Ang mga luha ng isang batang nag-aaral at itinaboy sa palaruan ay mga luha ng isang nagpipilit abutin ang paraiso. Ang sakit ng pag-iisa na nararamdaman ng isang taong walang kaibigan o pamilya ay ang sakit ng isang umaasam sa paraiso. Ang sakit na nararamdaman ng mag-asawang nabubuwag ang pagsasama ay sakit ng mga taong naghuhumiyaw para sa paraiso. Ang kalungkutang nararamdaman ng matandang lalaki habang nanghihina ang kanyang katawan ay ang kalungkutan ng isang umaasam sa paraiso. Lahat tayo ay umaasam, kahit na maaaring hindi natin alam ito, dahil inilagay ito ng Maylikha sa atin. Inilagay Niya ang kawalang hanggan sa bawat puso natin (Ang Mangangaral 3:11). Ang ating mga pag-iyak ay higit pa sa pag-iyak dahil sa sakit; ito ay pag-iyak din dahil sa pag-asam sa higit pa at mas mabuti pa kaysa sa kaya nating maranasan sa makasalanang mundong ito.

Kapag nakakalimutan mo ito, nagpapakapagod kang magtrabaho upang gawing paraiso ang sandaling ito na hindi kailanman maaaring mangyari. Ang iyong buhay may-asawa ay hindi magiging paraiso. Ang trabaho mo ay hindi maaaring maging paraisong pinananabikan mo. Ang iyong mga pakikipagkaibigan ay hindi ang paraisong minimithi ng puso mo. Ang mundo sa iyong paligid ay hindi kikilos na tila isang paraiso. Ang iyong mga anak ay hindi maibibigay sa iyo ang paraiso. Maging ang iyong iglesia ay hindi makakaabot sa pamantayan ng paraiso. Kung ikaw ay anak ng Diyos, ang paraiso ay tiyak na para sa iyo, ngunit hindi ito mangyayari dito, hindi ngayon. Ang lahat ng mga bagay na nagbibigay sa iyo ng kabiguan ngayon ay upang ipaalala sa iyo na hindi ito ang lahat-lahat at ito ang magdadala sa iyong asamin ang paraisong paparating. Ang mga pangarap na namatay na ay nagpapaalala sa iyong hindi ito ang paraiso. Ang mga bulaklak na nalalanta ay nagpapaalala sa iyong hindi ito ang paraiso. Ang kasalanang bumibihag sa iyo ay dapat nagpapaalala sa iyong hindi ito ang paraiso. Ang mga sakit na nakakahawa sa iyo ay upang maalala mong hindi ito ang paraiso. Mabuhay ka sa pag-asa dahil tiyak na darating ang paraiso, at tumigil ka na sa pagpupumilit na gawing paraiso ang makasalanang mundong ito na hindi kailanman mangyayari.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

Ang Araw ng Pasasalamat ay panahon upang alalahanin ang lahat ng mabubuting bagay na ibinigay ng Diyos sa atin. Ngunit kung minsan ang pagkahibang ng panahon ay humahadlang sa atin sa paggugol ng oras upang magpasalamat sa Diyos sa Kanyang maraming mga regalo. Sa nakahihikayat na mga debosyon mula kay Paul David Tripp, ang mga maiikling debosyon na ito ay tatagal lamang ng 5 minuto upang mabasa, ngunit hihimukin kang magnilay sa awa ng Diyos buong araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/