Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 28 NG 28

Gawin anuman ang kinakailangan.

Palaging may gawain, ngunit may ibat-ibang "tungkulin" na kailangang gawin. Tungkulin natin ang tustusan ang mga pangangailangan ng ating pamilya at mahalin ang mga tao sa ating buhay. Kailangan nating gawin ang mga tungkulin sa ating propesyon at maging ang tungkulin ng paglilingkod sa ating kapwa.

Tinatawag tayo ng Diyos na isabuhay ang pananaw na "anuman ang kinakailangan". Dahil ginawa ni Jesus anuman ang kinakailangan upang mailigtas tayo sa kasalanan at bigyan tayo ng bagong buhay, maaari nating tularan ang Kanyang halimbawa sa pagiging responsable, maging sa paggamit ng ating pananalapi.

"Walang trabaho na masyadong mababa para sa iyo" ay hindi pumapatungkol sa mga gawaing may kasamang pagsisinungaling, pandaraya, pananakit sa kapwa, paghahadlang sa kapwa sa paglapit kay Jesus o anumang iba pang pagkakasala. Ang ibig sabihin nito ay gawin natin anuman ang kinakailangan (huwag lang kasalanan) upang maging responsable sa pananalapi, dahil ang pagkakautang ay pagkakaalipin.

Sa kuwento ng pagdalaw ni Jesus kay Maria at Marta, may dalawang magkaibang "tungkulin;" ang isa ay ipinakita ni Marta, na gumawa upang makapaghanda ng pagkain para kay Jesus. At ginampanan naman ni Maria ang tungkulin ng isang tagapagistima sa pagpaparamdam kay Jesus ng malugod na pagtanggap. Sa kasamaang-palad, ang gawain ni Marta sa kusina ay naging hadlang sa paglapit niya kay Jesus. Ginawa naman ni Maria anuman ang kinakailangan upang pahalagahan si Jesus nang una sa lahat.

Kung si Marta ay umupo sa paanan ni Jesus, wala sana silang hapunan. Mayroong mga panahong "Marta" sa ating buhay kung kailan kailangan nating magmadali at magtrabaho nang puspusan para matugunan ang mga pangangailangan. Ngunit mayroon din tayong mga panahong "Maria" kung kailan kailangan nating matutong mapayapa sa kung ano ang inilalaan ng Diyos. Ang susi ay ang pakinggan ang Espiritu ng Diyos sa kung kailan dapat gawin ang alin. Sa ganitong paraan mo magagawa ang anumang kinakailangan upang maging tapat kay Jesus, sa iyong buhay at iyong pananalapi; sa anumang "tungkulin" ka man tinawag ng Diyos, makinig ka sa Kanya at gawin ang pinakamahusay na trabahong magagawa mo.

Isipin Ito:
1. Anong tungkulin ang kailangan mong pagtuunan ng pansin sa panahong ito ng iyong buhay: ang pagtutupad sa mga gawaing alam mo nang gagawin, o ang pagtatatag ng mga ugnayan sa kapwa at sa Diyos?
2. Nahihirapan ka bang balansehin ang iba't ibang tungkulin na mayroon ka? Bakit o bakit hindi?
3. Paano mo isasabuhay ang pananaw na "anuman ang kinakailangan"?

Manalangin:
Jesus, hindi Mo sinusukat ang aking halaga sa mga tungkuling aking ginagawa. Ako ay may halaga dahil ako ay sa Iyo! Tulungan Mo akong gawin anuman ang kinakailangan upang sundin Ka at sambahin Ka sa aking pananalapi.
Araw 27

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc