Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa
Ang mas kaunti ay higit.
Ang pagkakaroon ng mas maraming pera ay hindi nangangahulugan ng isang masayang buhay. Maaaring isipin na ang pera ang makakalutas sa lahat at kung ikaw sana ay may mas magandang trabaho o mas matabang pitaka, mas magiging maganda ang iyong buhay. Subalit ang kagalakan ay hindi mahahanap sa laki ng pera sa bangko, kundi sa laki ng ating puso.
Sinasabi sa Mga Awit 37 na anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa,
ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.
Ang susi sa pamumuhay nang malaya ay ang pagkilala na hindi ito tungkol sa iyo. Tanging Diyos ang may kapangyarihan magbigay at ang iyong responsibilidad ay hindi ang makuha ang mas malaki o mas magaling kundi ang pamahalaan nang mahusay ang mga naibigay na sa iyo. Ang pinakamabuting pasimula sa pagsunod sa Diyos sa iyong pananalapi ay ang pagtulad sa Kanyang halimbawa at mag-umpisang mamuhay nang bukas-palad.
Isipin ito:
1. Tingnan mo ang iyong checking account. Saan mo ginugugol ang karamihan ng iyong oras at pera? Base sa iyong gawi sa paggasta, ano ang iyong pinakamamahal sa lahat?
2. Sinasabi sa Mga Awit 37 na ang taong matuwid ay bukas-palad din. Sino ang kakilala mo na masasabi mong matuwid na tao? Ano ang hinahangaan mo sa taong ito?
3. Sa pamamagitan ni Jesus, lahat tayo ay may kakayahan na mamuhay nang matuwid. Anong hakbang ang maaari mong gawin ngayon upang maging mas bukas-palad?
Manalangin:
Jesus, lahat ng mayroon ako, kasama na ang aking yaman ay kaloob mula sa Iyo. Tulungan Mo akong gamitin ito nang mabuti upang Ikaw ay aking maparangalan sa lahat ng bahagi ng aking buhay.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc