Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa
Ibigay mo ang pinakamabuti na mayroon ka.
Si Marcos, isa sa mga alagad ni Jesus, ay nagsalaysay tungkol sa isang babae na bumasag sa sisidlan ng isang napakamahal na pabango at ibinuhos ito sa ulo ni Jesus. Hindi ito isang pabango na mula lang sa department store. Ito ay may halagang katumbas ng mahigit isang taong sahod!
Nakita ni Jesus ang karangyaan ng kanyang handog at tinawag itong "isang mabuting bagay." Subalit hindi inisip ng ilang naroon na ang kanyang ginawa ay mabuti. Nagulat sila at nagreklamo na ang pabango ay mas marapat na ipagbili upang maibigay sa mga mahihirap ang pinagbilhan
Kapag pinagtitiwalaan natin ang sinabi ng Diyos at ibinibigay sa Kanya ang pinakamabuti na mayroon tayo, iisipin ng mga tao na tayo ay nababaliw. Kapag masigasig tayong nag-iipon at pagkatapos ay ipamimigay lamang ang perang iyon, iisipin ng mga tao na tayo ay nababaliw, Ang tanong na kailangan nating lahat sagutin ay alin bang tinig ang ating pakikinggan. Handa ba tayong sumunod sa mga utos ng Biblia at sa paghimok ng Espiritu Santo kahit na tayo ay magmukhang baliw?
Tulad ng babae sa kuwento ni Marcos, hindi natin kailangang matakot sa pagbibigay nang malaki sapagkat si Jesus ay marangya sa pagbibigay sa atin. Sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus para sa ating mga kasalanan, pinagpala tayo ni Jesus nang higit pa sa maaari nating hilingin o isipin. Paano nating hindi madarama ang kalayaang gumanti nang bukas-palad rin?
Isipin ito:
1. Ano ang pinakamarangyang regalo na iyong natanggap? Ano ang iyong naging tugon sa naturang pagbubukas-palad?
2. Ang babae sa Marcos 14 ay isang kahanga-hangang halimbawa ng kung paano ang pagpapasalamat ay nagbubunga ng pagiging bukas-palad. Ano ang ipinagpapasalamat mo ngayon?
3. Paano ka makapagbibigay nang bukas-palad sa iyong kapwa ngayon?
Manalangin:
Jesus, naibigay Mo na sa akin ang pinakamarangyang regalo. Ang Iyong pagkamatay sa krus ang naging kabayaran sa pagkakautang na hindi ko kailanman kayang bayaran. Salamat sa bukas-palad na pagbibigay Mo sa akin at tulungan Mo akong maging bukas-palad sa pagbibigay sa aking kapwa.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc