Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa
Ang pagsunod kay Jesus ay radikal.
Sa kabuuan Biblia, sinabihan ni Jesus ang mga tao na sumunod sa Kanya gamit ang simpleng pangungusap na, "Sumunod kayo sa akin." Iyon ay isang radikal na paanyaya. Ang pagsunod kay Jesus ay nangahulugan na iwan mo ang lahat ng iyong ari-arian at tanggapin ang walang-katiyakang hinaharap.
Sa Mateo 9, nakilala ni Jesus ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Mateo. Bilang maniningil ng buwis, ang buong buhay ni Mateo ay tungkol sa salapi. Gayunpaman, noong tinawag ni Jesus si Mateo, ipinagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian at sumunod siya kay Jesus. Dahil sa pananampalataya ni Mateo, siya ay naging isa sa pinakamalalapit na kaibigan ni Jesus. Si Mateo ay lumakad araw-araw kasama si Jesus, nakakita ng maraming himala at mga nabagong buhay.
Sa Mateo 19, isang lalaking mayaman ang lumapit kay Jesus na naghahangad ng buhay na walang hanggan. Sumagot si Jesus, “Kung ibig mong maging ganap, ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi sa mga mahihirap ang pinagbilhan. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.” Ibinigay ni Jesus sa lalaking mayaman ang paanyayang tulad ng ibinigay niya kay Mateo, ngunit malungkot na umalis ang lalaking mayaman sapagkat hindi siya handang ipagpalit ang kanyang kasalukuyang buhay sa buhay na itinatakda ng Diyos sa kanya.
Ibinibigay sa atin ni Jesus ang tulad na radikal na paanyaya na ibinigay niya sa kanyang mga alagad. Tinatawag Niya tayo na ipasailalim ang lahat ng aspeto ng ating buhay, kasama ang pananalapi, sa Diyos. Sapat ba ang iyong tiwala para sumunod sa Kanya?
Isipin ito:
1. Nagpasya ka na ba na sumunod kay Jesus?
2. Anong bahagi ng iyong pananalapi ang nais ng Diyos na isuko mo sa Kanya?
3. Ano ang isang paraan na masusunod mo ang layunin ng Diyos sa iyong buhay ngayon?
Manalangin:
Mahal na Jesus, bigyan po Ninyo ako ng lakas ng loob na sumunod sa Inyo saanman Ninyo ako dalhin.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc