Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Hindi kailangan ng Diyos ang ating salapi.
Ano ang pinakanakakailang na karanasan sa pagbibigay ng regalo na nakita mo? Maaaring ikaw o isang kakilala ay nabistong nag-regalo sa iba ang natanggap rin na regalo. O ang regalo ay hindi naman talaga gusto ng taong binigyan. Pagdating sa pagbibigay ng regalo, ang mahalaga ay hindi ang mismong regalo. Ang mahalaga ay ang puso ng nagbibigay.
Sa Genesis 4, makikilala natin ang dalawang magkapatid, sina Cain at Abel. Mabigat sa kalooban na ibinigay ni Cain ang tira-tira sa kanyang ani, ngunit ang ibinigay ni Abel sa Diyos ay ang pinakamaiinam na hayop sa kanyang kawan. Ang handog ni Abel ay mula sa pag-ibig at sa pagnanais na malugod ang Diyos. Ang kay Cain ay hindi.
Binigyan ng Diyos si Cain ng pagkakataon na ituwid ang kanyang puso at binalaan sa kasalanang nag-aabang na pagharian siya, ngunit sa halip ay nagalit si Cain at hinayaang lapain siya ng pagkainggit. Pinatay ni Cain si Abel na humantong sa siya'y mahatulang malayo sa paningin ng Diyos.
Ang pagbibigay ay isang isyu ng puso. Hindi nais ng Diyos na magbigay tayo sa Kanya upang masabi lang na nagawa ang isang inatas. Hindi din Niya ninanais na ibigay natin ay mas mababa kaysa ating pinakamainam. Nais ng Diyos na magbigay tayo mula sa pusong tapat na naghahangad ng malugod Siya. Hindi kailangan ng Diyos ang ating handog; ang hangad Niya ay ating puso.
Isipin ito:
1. Ikaw ba ay nagbibigay sa iyong lokal na simbahan? Bakit o bakit hindi?
2. Ano ang motibo mo sa pagbibigay?
3. Sinasalamin ba ng iyong mga dahilan sa pagbibigay ang isang pusong nagmamahal sa Diyos? Kung oo, paano? Kung hindi, ano ang kailangang baguhin?
Manalangin:
Jesus, salamat at mas higit ang pagpapahalaga Mo sa kondisyon ng aking puso kaysa sa laki ng aking handog.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Mahalaga ang Pamilya Muna

Tagumpay Sa Kabila Ng Kahinaan

Pakikinig sa Diyos

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

May Power Ang Words Natin

Pagmamahal

Committed Siya Sa Iyo