Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Tanging si Jesus ang magbigay-kasiyahan
sa ating kaluluwa.
Naririnig na nating lahat ang kagatagang "pag-akyat sa hagdan ng tagumpay." Maaaring ikaw ay umaakyat sa hagdan ng isang korporasyon at naghahangad ng sunod na mahalagang promosyon. Maaaring ikaw ay umaakyat sa hagdan ng lipunan, naghahangad na makamit ang paghanga ng mga natatanyag. Kilala nating lahat ang pakiramdam ng pagsisikap na makamit ang hinahangad. Ngunit paano kung wala nang iba pang maaaring akyatin?
Si Zaqueo ay isang taong umabot na sa tugatog ng kanyang karera. Isa siyang pinuno ng mga maniningil ng buwis, at dahil dito, siya ay mayaman at makapangyarihan. Tila nasa kay Zaqueo na ang lahat, ngunit hindi siya masaya. Kaya nang si Jesus, isang napapabalitang nakapagpapagaling at nakapagpapabago ng mga puso, ay dumaan sa bayan ni Zaqueo, labis-labis ang pagnanais ni Zaqueo na makita Siya kaya't umakyat ito sa isang puno.
Nang makita ni Jesus ang pagsisikap ni Zaqueo, tinawag itong bumaba sa puno at tumuloy sa kanyang bahay. Doon, nagbago ang buhay ni Zaqueo. Nang makilala ni Zaqueo si Jesus, naunawaan niya sa wakas na si Jesus, at hindi salapi ang nagligtas kanya. Si Jesus, at hindi salapi ang nakapagbigay-kasiyahan sa kanya. Si Jesus, at hindi salapi ang magdadala ng tunay na tagumpay sa kanya.
Kapag sumuko tayo kay Jesus bilang ating tagapagligtas, hindi lang ang puso natin ang nababago. Ang pagbabago ng puso ay tumatagas sa bawat bahagi ng ating buhay, maging sa ating pananalapi, habang sinisimulan nating hanapin si Jesus sa halip na ang kasunod na pinakamainam na bagay.
Isipin ito:
1. Sino ang naaalala mo kapag nag-iisip ka ng isang tao na "mayroon ang lahat"? Ano ang hinahangaan mo sa taong iyon?
2. Ang iyong kahulugan ba ng "pagkakaroon ng lahat" ay nagbago simula nang makilala mo si Jesus? Bakit o bakit hindi?
3. Ano ang gagawin mo para sa Diyos kung hindi isyu ang pera? Anong hakbang ang maaari mong gawin ngayon upang sundin ang bagay na tinawag ka ng Diyos na gawin?
Manalangin:
Jesus, patawarin Mo ako kapag ako ay natutuksong isipin na ang pagkakaroon ng maraming bagay ang makapagpapasaya sa akin. Tanging Ikaw lamang ang lubos na makapagbibigay ng kasiyahan sa aking kaluluwa!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Mahalaga ang Pamilya Muna

Tagumpay Sa Kabila Ng Kahinaan

Pakikinig sa Diyos

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

May Power Ang Words Natin

Pagmamahal

Committed Siya Sa Iyo