Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong kung minsan.
Sa ating paglaki, natututo tayong tumawid sa kalye nang ligtas at umiwas na makuryente. Ang buhay ay magiging masakit kung wala ang mga ordinaryong kakayahang ito. Bihira lang ang mga taong natututong mamahala ng salapi habang lumalaki ngunit ang pamamahala sa salapi ay kasinhalaga sa pagkakaroon ng isang masayang buhay.
Maaaring walang naglaan ng oras para maturuan ka ng tungkol sa personal na pananalapi. O maaaring wala kang kakilala na mahusay sa paghawak ng salapi. Ang kakulangan ng pagkaunawa sa pananalapi ay hindi dapat ituring na kasalanan o ikahiya. Ang paghingi ng tulong ay isang pagkakataon na matuto ng mga bagong kakayahan na maaaring makapagbago ng iyong buhay.
Sa Biblia, ang mga hindi humihingi ng mapagkakatiwalaang payo ay tinatawag na mga hangal. Ang taong hindi humihingi ng payo ay mas nais na magmukhang matalino kaysa maging matalino.
Maaaring tila hindi naman tiyak na makakabuti kung isapalaran nating aminin na kailangan natin ng tulong at kakailanganin pang lunukin ang ating amor propio, ngunit upang matamo ang pinakamaiinam na bagay sa buhay ay kailangang humakbang tayo pasulong at humakbang sa pananampalataya. Tayong lahat ay pinagkalooban ng Diyos ng kanya-kanyang mga kaloob at mga talento upang bigyan ng lakas ng loob ang isa't-isa. Papayagan mo bang tulungan ka ng mga mapagkakatiwalaang tao sa iyong pagsulong?
Isipin ito:
1. Ano ang pinakamagandang payo na iyong natanggap? Paano napabuti ng paggamit sa kaalamang ito ang iyong buhay?
2. Ano ang humahadlang sa iyo na humingi ng payo tungkol sa iyong pananalapi?
Manalangin:
Mahal na Jesus, bigyan Mo ako ng lakas ng loob na humingi ng tulong kung kailangan ko ito.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Mahalaga ang Pamilya Muna

Tagumpay Sa Kabila Ng Kahinaan

Pakikinig sa Diyos

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

May Power Ang Words Natin

Pagmamahal

Committed Siya Sa Iyo