Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 14 NG 28

Nais ng Diyos na maging malaya ka sa pagkakautang.

Ang pagkakautang ay hindi ang pinakamainam na nais ng Diyos para sa ating buhay, sapagkat hinahadlangan tayo nito na gawin ang nais Niyang ipagawa sa atin. Kung tatawagin ka ng Diyos na lumipat sa ibang lunsod, bawasan ang oras sa trabaho o magbigay nang malakihan sa isang nangangailangan, magagawa mo ba ito ngayon?

Anuman ang nagkokontrol sa atin ay siya ring umaalipin sa atin. Kapag tayo ay may pagkakautang, tayo ay hawak ng mga nagpahiram sa atin ng pera. Mas dumarami ang ating utang, mas nababawasan ang ating mapagpipilian pagdating sa kung saan tayo magtatrabaho o kung paano natin igugugol ang ating oras. Sa halip na makapagpasya batay sa nais nating gawin, iisipin pa natin kung ano ang kailangan nating gawin.

Ang pagkakautang ay laging nagdudulot sa atin ng pakiramdam ng pagiging ipit, at higit-higit pa ang ninanais ni Jesus para sa ating mga buhay. Nang si Jesus ay mamatay para sa ating mga kasalanan, binayaran niya ang pinakasukdulang utang, isang pagkakautang na hindi natin kailanman makakayang bayaran. Namatay si Jesus upang mabigyan tayo ng kalayaan sa kasalanan at magkaroon ng masaganang buhay. Kaya nga't hinimok ni Pablo ang mga Cristiano sa Roma na bayaran anuman ang kanilang pagkakautang, ito man ay pera o paghingi ng tawad. Kung ang tanging pagkakautang na ating inaalala ay kung paano mahalin ang ating kapwa, ang magagawa natin para sa Diyos ay higit pa kaysa maaari nating isipin (Mga Taga-Roma 13:7-8).

Isipin ito:
1. Ano ang magagawa mo para sa Diyos kung ikaw ay walang pagkakautang?
2. Ano ang mga pagkakautang mo sa mga nasa paligid mo? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin sa linggong ito upang mabayaran ang mga utang na iyon at mabuhay nang malaya?

Manalangin:
Jesus, salamat sa pagbibigay Mo sa akin ng kakayahan na mabuhay nang malaya. Tulungan Mo ako habang nilalayon ko na tanging Ikaw lamang ang paglingkuran.
Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc