Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa
Ang mas maayos na pagpaplano ay nagdudulot ng mas magagandang pagpipilian.
Lahat tayo ay may mga kakilalang walang isip-isip gumastos. Pagdating ng sahod, diretso sila palabas upang gastusun ang lahat ng kanilang kinita. Madaling makaugalian ang pamumuhay na pirming nauubos ang sahod sa mga gastusin, na hindi iniisip ang kinabukasan.
Ang pera ay maaaring gamitin para makabili, magbayad ng mga bayarin, at nang may maihain sa mesa. Ngunit kung inuubos natin agad ang lahat pagka-tanggap nito, bigo tayong pamahalaan nang responsable ang bigay ng Diyos sa atin. Bahagi ng pagiging tapat na katiwala ng pera ng Diyos ay pumapatungkol sa pag-iipon, at hindi lang sa kung paano tayo gumagastos.
Ang pag-iipon ay patungkol sa pagpaplano para sa kinabukasan. Ang pag-iipon ay makakatulong sa pagsuporta mo sa iyong sarili at sa iyong pamilya kapag nawalan ka ng trabaho o kung may kagipitan. Ang pag-iipon ay nagbibigay rin sa atin ng kalayaan na gawin ang anumang nais ng Diyos na ipagawa sa atin. Sa tuwing sasahod tayo, ang ating unang dapat gawin ay magtabi ng bahagi na ibabalik sa Diyos, at pagkatapos ay magplano na mag-ipon. Kapag inuubos natin ang bawat sahod nang walang itinatabing pera, tayo ay nagpapaalipin sa anumang maaaring mangyari, at wala nang maiiwang puwang para sa Diyos.
Isipin ito:
1. Ano ang tatlong halimbawa o paraan na ginagastos mo nang walang isip-isip ang pera?
2. Paano ka magsisimulang mag-ipon upang maging handa ka sa plano ng Diyos para sa iyo?
Manalangin:
Jesus, tulungan Mo akong pairalin ang pagpipigil sa sarili sa paggastos upang ako ay maging matalinong katiwala ng Iyong pera.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc