Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 16 NG 28

Ang mga taong naghihirap ay hindi makapagpapala sa kapwa.

Sa Lucas 10 isinalaysay ang kuwento ng isang Judio na nabugbog at iniwan nalang para mamatay sa gilid ng daan. Dinaanan lang siya ng ilang tao. Hanggang may dumaan na isang Samaritano. Ang Samaritano ang tanging tumulong sa Judio. Ginamit ng Samaritano ang mga dala niyang kasangkapan- langis, alak at dalawang araw na sahod - upang tulungang mapagaling ang sugatang lalaki.

Ang Samaritano ay handang magpala sa kapwa sapagkat hindi niya ginastos ang mayroon siya nang pabaya. Hindi lamang niya nagamot ang sugatang Judio, pinagpala niya rin ito! Dinala ng Samaritano ang lalaki sa isang bahay-panuluyan at binigyan ang may ari ng bahay-panuluyan ng dalawang salaping pilak bilang kabayaran sa pag-aalaga rito. Nangako rin siya na babayaran ang may-ari ng bahay-panuluyan kung higit pa ang magagastos sa pag-aalaga sa lalaki.

Ang Samaritano ay handang maging bukas-palad at sa pamamagitan noon ay pinagpala ng Diyos ang isang tao. Kung sabagay, hindi natin mapagpapala ang ating kapwa kung hindi natin pinamamahalaan nang mahusay ang ating sariling pananalapi. Kapag pinipili nating itabi ang ating pera sa halip na gastusin itong lahat, nagkakaroon tayo ng kasangkapan upang tumulong sa kapwa. Hindi mo mapagpapala ang kapwa kung ikaw ay naghihirap.

Isipin ito:
1. Ano ang magagawa mo para sa Diyos kung ang pera ay hindi problema?
2. Makakapagbigay ka ba ng pinansyal sa taong nangangailangan ng tulong?
3. Paano ka makapagsisimulang mag-ipon ngayon?

Manalangin:
Jesus, salamat sa lahat ng pamamaraan na ako ay binibigyan Mo. Tulungan Mo akong mas mahusay na pamahalaan ang pera na ipinagkatiwala Mo sa akin, upang magawa ko anuman ang nais Mong ipagawa sa akin.

Banal na Kasulatan

Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc