Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 18 NG 28

Pondohan ang iyong kinabukasan.

Karamihan ng mga Amerikano ay walang pinansiyal na paghahanda para sa kanilang hinaharap. Ipinakikita ng mga pag-aaral na sindami ng 90 porsiyento sa atin ay hindi patutungo sa komportableng pagreretiro. Masyadong maraming tao ang naniniwala sa kasinungalingan na kapag marami na tayong pera, saka lang natin maaaring simulan ang pagpaplano para sa hinaharap. Ang ganitong uri ng pag-iisip ang magtitiyak na walang pagreretirong darating.

Ang minsanang pagtatabi ng $50 ay hindi magbabago sa iyong pinansiyal na kinabukasan. Ngunit ang tuluy-tuloy na pag-iimpok ng kaunting pera sa loob ng mahabang panahon ay magtatatag ng saganang mapapakinabangan para sa hinaharap. Walang labis na maliit na halaga sa pagsisimula ng pag-iimpok at walang mas magaling na oras kundi ngayon. Maaaring hindi ka isang milyonaryo, nanalo sa loterya o stock broker, ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi ka na maaaring magsimulang mag-impok. Ang araw-araw na pagsusumikap na maging masinop sa kung ano ang mayroon ka ay maaaring maging daan sa pangmatagalang pakinabang.

Isang dakilang hinaharap ang inihanda ni Jesus para sa atin, at kapag iniimpok natin ang ipinagkaloob sa atin, malaya tayong makakagawa sa inihanda ng Diyos para sa ating hinaharap.

Isipin Ito:
1. Anong tatlong salita ang maaari mong gamitin sa paglalarawan ng iyong mga damdamin tungkol sa iyong pinansiyal na hinaharap?
2. Ang pag-iimpok ay hindi kinakailangang malakihang halaga buwan-buwan. Ano ang isang maaari mong baguhin nang makapag-impok ngayon?
3. Paano mo nakikita ang kahalagahan ng patuloy na pagsusumikap sa ibang aspeto ng buhay mo? Bakit maiiba ang ibubunga pagdating sa pananalapi?

Manalangin:
Jesus, bago pa man ako ipanganak alam Mo nang kakailanganin ko ng Iyong pagliligtas. Kasama Ka ng Diyos sa paglikha ng daigdig at gumawa Ka ng paraan upang makilala ko ang Diyos bago pa man ako pinag-isipan ng aking mga magulang. Salamat po na Kayo ay isang Tagaplano. Tulungan Ninyo ako na maging isang tagaplano din.
Araw 17Araw 19

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc