Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 20 NG 28

Ang pagsisikap ay may pakinabang.

Ang malalaking layunin ay nangangailangan ng pagtutuon, sakripisyo at pagsisikap. Kailangang maalab mong naisin ang nilalayong kalalabasan, at tanggihan ang mga bagay na umaagaw sa iyong oras.

Ang paghahati-hati ng mga malalaking layunin sa maliliit na pang-araw-araw na gawain ay makakatulong upang ang mga ito ay iyong makamit. Mahirap tumanggi sa yayaang kumain sa labas kasama ng mga kaibigan o ang maghintay na ang panlamig na iyong nais bilhin ay ibaratilyo. Ngunit kailangan mong maging handa na gumawa ng mga pagbabago upang makita ang tagumpay sa kalaunan. Ang pagbabawas ng isang kainan kasama ng mga kaibigan bawat buwan sa loob ng 12 buwan, ay maaaring paraan na tuwiran mong mabili ang isang bagong dryer imbis na sa panibagong pangungutang na naman.

Hindi natin maaasahan ang pagbabago sa ating buhay o mararanasan ang kalayaan kung pag-uusapan lang natin ang maaari nating gawin nang mas mahusay. Lahat tayo ay may susunod na hakbang pagdating sa ating pananalapi, at kailangan nating kumilos kung nais nating makakita ng pagbabago.

Lahat tayo ay mag kakayahang pamahalaan ang ating pera na parang mga baguhan o parang mga propesyonal. Ang pagkakaiba ay nagmumula sa pagsasanay at tiyaga sa paggawa ng matatalinong pagpipili at pagsunod sa mga biblikal na panunutunan. Matalinong wika nga ni Solomon, "bawat pagsisikap ay may pakinabang" (Mga Kawikaan 14:23).

Isipin ito:
1. Ano ang isang bagay na pinagsikapan mong makamit? Ano ang iyong natutunan tungkol sa pagtitiyaga mula sa karanasang iyon?
2. Nagsimula ka na bang mag-budget ngunit huminto? Ano ang naging dahilan na ikaw ay huminto at paano mo maiiwasang muli itong mangyari?

Manalangin:
Jesus, tulungan Mo ako na magpatuloy kahit na ang pagba-budget ay mahirap at ang pag-iimpok ay hindi nakakatuwa. Bigyan Mo ako ng matinding pagnanais na pamahalaan ang pera sa paraang Ikaw ay mapaparangalan.
Araw 19Araw 21

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc