Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 23 NG 28

Ang pagbibigay ay mas nakakatuwa kaysa pagtanggap.

Naranasan mo na ba ang sobrang tuwa sa pagkahanap ng perpektong regalo at hindi ka na makapaghintay na maibigay ito? Maaaring ito ay engagement ring na mistulang nagbabaga't binubutas ang iyong bulsa. Maaaring ito ang laruan na hindi mo na mahintay na matuklasan ng iyong anak sa ilalim ng Christmas tree kinaumagahan ng Pasko.

Anuman ang iyong perpektong regalo, ikaw ay nasabik dahil mahal mo ang tatanggap at alam mong ang iyong regalo ay magpapasaya sa kanya.

Ang mga dahilan kung bakit tayo nagagalak sa pagbibigay sa ating mga minamahal ay tulad din mga dahilan kung bakit tayo nagagalak sa pagbibigay sa Diyos. Sinasabi sa 2 Mga Taga-Corinto 9:7, “Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan.”

Kung nais mong masabik sa pagbibigay, kilalanin mo si Jesus. Habang Siya ay nakikilala natin, lumalalim ang pagmamahal natin sa Kanya. Sa halip na magbigay dahil bigla lamang sumagi sa isip natin o napipilitan lamang, makikita natin ang ating sarili na pinag-iisipan kung ano ang magpapasaya sa Diyos. At kapag naiisip natin ang Kanyang tuwang-tuwang tugon, nasasabik at nagagalak tayo sa pagbibigay ng ating handog.

Isipin ito:
1. Kailan mo huling naramdaman ang pananabik sa pagreregalo? Ano ang pinakahihintay mo sa karanasang iyon?
2. Sa tingin mo, ang pagbibigay ba ay mas mabuti kaysa pagtanggap? Bakit o bakit hindi?
3. Ano ang iyong sunod na hakbang sa pagbibigay na ipinagagawa sa iyo ng Diyos?

Manalangin:
Jesus, ibinigay Mo sa akin ang pinakadakilang regalo—ang kaloob na kaligtasan! Nawa, ang pasasalamat ko sa kaloob na ito ay mag-umapaw sa lahat ng bahagi ng aking buhay.

Banal na Kasulatan

Araw 22Araw 24

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc