Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 25 NG 28

Ano ang sisira sa iyo?

Sa Marcos 4, tinalakay ni Jesus ang mga balakid na kinakaharap ng isang magsasaka sa pagtatanim. Kung minsan, ang mga binhi ay sisibol na mukha namang malusog, ngunit may tutubong mga damo kasabay ng mga binhi at papatayin ng mga ito ang sana'y aanihin.

Walang diperensya ang binhing itinanim ng magsasaka. Ito ay malusog, matibay at malakas, ngunit ito ay naharap pa rin sa problema. Tulad ng binhi, kinakaharap din natin ang mga damo na nagsasanhing hindi makapamunga ang ating mga buhay: pag-aalala, kasakiman at pagkainggit. Binalaan ni Jesus ang mga tao na may mga makikinig at malugod na tatanggap sa Kanyang mensahe ngunit ang mga alalahanin sa buhay, pagkasilaw sa salapi, o kaya'y pagkahumaling sa ibang mga bagay ang magsasanhing mawalan ng puwang ang mensahe sa kanilang mga puso kaya't hindi ito makakapamunga (Marcos 4:19).

Kapag ang tatlong ito ay nakaapekto sa ating paglakad kasama ng Diyos at sa ating pananampalataya sa Kanya, aalisan nila ng puwang ang mga salita ng Diyos at hindi makakapamunga ito sa ating buhay, Ang pagiging abala sa alalahanin, kayamanan at sa kung ano ang mayroon ang ating kapwa ay nagiging dahilan upang malingat tayo sa tunay na kahulugan ng buhay. Ang kayamanan ay isang kasangkapan upang matugunan ang mga pangangailangan at makatulong sa kapwa. Kapag ginamit natin ito sa ganitong layunin, makikita natin ang malaking ani ng himala sa ating mga buhay.

Isipin ito:
1. Saan ka kumukuha ng payo sa pananalapi? Ano ang bahagi ng Biblia sa iyong mga desisyon sa pananalapi?
2. Naaalala mo ba ang pinakamalalang desisyon sa pananalapi na iyong ginawa? Ano ang naka-impluwensiya sa desisyong iyon?
3. Paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili laban sa mga damo tulad ng pag-aalala, kasakiman at inggit?

Manalangin:
Jesus, patawarin Mo ako at hinayaan kong ang pag-aalala, kasakiman at inggit ay maging impluwensiya ng aking mga desisyon sa pananalapi. Ikaw ay may plano sa bawat bahagi ng aking buhay, kasama na ang aking pera, at ang Iyong plano ang palaging pinakamagaling! Tulungan Mo akong sumunod sa Iyo nang higit sa bawat araw.

Banal na Kasulatan

Araw 24Araw 26

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc