Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa
Hindi kailanman nagkukulang ang Diyos.
Kapag iniibig natin ang isang bagay, ginagawa natin ang lahat para dito. Ang pag-ibig sa salapi ay magsasanhi sa mga tao na gumawa ng mga hangal na desisyon, dahil gagawin natin ang anuman upang magkaroon ng higit pa. Gaano man kabago ang ating mga telepono, kalaki ang ating mga tirahan o karami ang ating mamahaling kasuotan, hindi tayo kailanman masisiyahan. At kapag hindi tayo nasisiyahan sa kung ano ang mayroon tayo, gagawa tayo ng mga bagay tulad ng pangungutang para sa isang bagong sasakyan kahit mayroon pa tayong isang tumatakbo nang maayos. Gumagawa tayo ng mga 'di-matatalinong pamumuhunan, dahil pinangangakuan tayo ng kitang hindi kapani-paniwala.
Isinasalaysay sa Biblia ang kuwento ng isang batang Israelita na nagngangalang Moises na naligtas mula sa kamatayan at pinalaki ng anak na babae ng Faraon, ang pinuno ng Egipto (Exodo 2). Pinanganak siya sa hirap at inampon sa pagkahari sa pinakamataas na antas. Maaaring piliin ni Moises ang isang madaling buhay ng pagkahari, ngunit ang pag-ibig niya sa Diyos ay humigit kaysa pag-ibig niya sa salapi. Kahit lumaki siya sa isang palasyo, ipinagpalit ni Moises ang buhay ng luho upang sundin ang tawag ng Diyos sa kanyang buhay at pamunuan ang bayan ng Israel sa 40 taon na paglalakbay sa disyerto. Ito ay hindi isang glamorosong buhay, ngunit sinasabi sa Mga Hebreo 11:26, "Itinuring niyang higit na mahalaga ang pagtitiis sa hirap dahil sa Mesiyas kaysa ang mga kayamanan ng Egipto; sapagkat nakatuon ang kanyang paningin sa mga gantimpala sa hinaharap."
Ang pera ay hindi kailanman makakapagbigay-kasiyahan sa atin tulad nang pag-ibig ni Jesus. Ang mga bagong bagay ay naluluma. Ngunit hindi tayo kailanman bibiguin ng Diyos, hindi kailanman pababayaan. Kaya masiyahan tayo sa paggawa sa isang maayos na trabaho, huwag mangutang para sa mga bagay na hindi natin kailangan, gugulin ang panahon sa ating mga pamilya at gawin kung ano ang ipinag-uutos ng Diyos sa atin.
Isipin ito:
1. Ikaw ba ay nasisiyahan sa kung ano ang mayroon ka o patuloy na naghahangad ng higit pa? Bakit?
2. Isipin ang pinakamalalang desisyon sa pananalapi na iyong ginawa. Ano ang iyong motibo sa iyong pagbili o desisyon?
3. Mahal mo ba ang Diyos nang higit sa salapi? Kung hihilingin Niya na isuko mo ang lahat ng iyong pag-aari, magiging sapat na ba sa iyo ang Kanyang pag-ibig?
Manalangin:
Jesus, Ang Iyong pag-ibig ay higit na kasiya-siya kaysa anumang ari-arian. Tulungan Mo akong masiyahan sa kung ano ang mayroon ako at unahin sa lahat ang ating ugnayan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc