Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 27 NG 28

Magtrabaho nang may layunin.

Ang bawat isa sa atin ay may trabahong kailangang gawin. Lahat ng ating ginagawa — magmula sa paraan ng ating pagtatrabaho hanggang sa kung paano tayo magsalita — ay pagsamba sa Diyos.

Isa sa mga dahilan na tayo ay nagtatrabaho ay upang maranasan ang kasiyahan sa Diyos (Ang Mangangaral 3:22). Kapag ginugugol natin ang ating lakas upang matapos ang isang gawain, may kagalakan mula sa pagtupad nito. Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng trabaho; ang ating kabuluhan ay matatagpuan sa Kanya, anuman ang trabahong ginagawa natin.

Ang trabaho ay nagbibigay rin sa atin ng kakayahang makabili ng ating mga pangangailangan, makatulong sa kapwa, at sambahin si Jesus. Sa pagtatrabaho tungo sa isang layunin at sa paghahanap-buhay, ating itinatatag ang isang buhay na malaya. Ang kalayaan ay ang kakayahang mamuhay nang ayon sa mga utos ng Diyos sa halip nang ayon sa mga limitasyon na dulot ng ating mga pagkakautang o obligasyon. Ang pagtatrabaho ay ang paraang itinalaga ng Diyos upang tayo ay mabuhay sa kalayaang ito.

Nais ng Diyos na gumawa sa iyo, hindi lamang magpagawa sa iyo ng mga gawain. Posibleng ikaw ay nasa isang mahirap na trabaho kung saan hamon ang pakikilahok sa nakabubugnot na mga katrabaho at imposibleng mga gawain. Maaaring ito ay isang pagkakataon na lumago sa katapatan, dedikasyon at kakayahang mapagtagumpayan ang mga hidwaan. Kapag tayo ay nagtatrabaho, ang ating pagkatao ay tumitibay at tayo ay mas nahahandang gawin ang iba pang gawaing itatawag sa atin ng Diyos na gawin sa hinaharap (maging ito ay sa trabaho, sa paglilingkod sa simbahan o anupamang ibang bagay).

Sa bandang huli, ang ating mga trabaho ay tungkol sa pangangasiwa. Binigyan tayo ng malalaking pagkakataon na gamitin ang mga isipan, katawan, pagkamalikhain at saloobin na inilaan sa atin ng Diyos. Maging responsable at mapagpasalamat sa mga yaman at kakayahan na mayroon ka. Magtrabaho ka dahil ikaw ay nakatanggap ng gawain mula kay Jesus, at hindi lamang para sa sahod.

Isipin ito:
1. Ang iyo bang prinsipyo sa trabaho ay umaakay sa mga tao palapit o palayo kay Jesus? Bakit o bakit hindi?
2. Paano mo pinamamahalaan ang iyong mga kita mula sa trabaho at ang iyong mga responsibilidad sa trabaho?
3. Paano mo maisasabuhay ang pagiging kuntento sa iyong trabaho ngunit nananatili pa rin ang paghahangad sa Diyos?

Manalangin:
Jesus, salamat sa aking trabaho. Ito ay isang regalo mula sa Iyo! Tulungan Mo akong gamitin nang may talino ang mga yaman at impluwensiya na ibinigay Mo sa akin.

Banal na Kasulatan

Araw 26Araw 28

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc