Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa
Bawat sentimo ay mahalaga.
Karamihan sa mga Amerikano ay hindi itinuturing ang sarili na mayaman. Ngunit kung nakatira ka sa Estados Unidos, ikaw ay kabilang sa mga pinakamayayamang tao sa mundo. Tayo ay pinagpala ng pera at mga mapagkukunan, at tayo ay may pananagutan sa kung ano ang ibinigay sa atin ng Diyos.
Iniuutos sa atin ng Diyos na dalhin ang 10 porsiyento ng ating kita pabalik sa simbahan sa pamamagitan ng ikapu. Ngunit paano naman ang natitirang kita? Hindi dahil binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan na gastusin ang 90 porsiyento ng Kanyang pera ay nangangahulugan na walang mga konsekwensya kung paano ito ginagamit. Nagmamalasakit ang Diyos tungkol sa 90 porsiyento dahil nagmamalasakit Siya sa iyo.
Nais ng Diyos na tamasahin natin ang ating pera. Ngunit ayaw Niya na ilagay ang ating pag-asa o maging alipin tayo nito. Sa ano mang pagkakataon, ang pera ay hindi mabuting panginoon dahil iniiwan tayo nitong laging nagnanasa. Sa pagbibigay dangal sa Diyos ng ating lahat, hindi lamang sa pag-iikapu, iniingatan natin ang ating mga sarili na gawing diyos ang pera.
Para sa ilan sa atin, ang pagpaparangal sa Diyos sa lahat ng bagay ay nangangahulugan ng pagbibigay ng mas higit pa. Ang wala sa atin ay hindi maaaring mag may-ari sa atin. Para sa ilan sa atin, ang susunod na hakbang ay ang pag-aaral na makaipon. Ang pagiimpok ang siyang sisira sa pagpapaulit-ulit ng pangungutang kung kaya maitatanong natin "Ano ang nais ng Diyos na gawin ko?" Sa halip na "Ano ang dapat kong gawin?"
Ang kayamanan ay isa sa maraming mga paraan na pinagpapala tayo ni Jesus nang higit pa sa nararapat sa atin. Walang masama sa kasiyahan sa kasaganaan na ibinigay sa atin ng Diyos, basta’t hindi natin sasambahin ang regalo sa halip na ang Tagapagbigay.
Isipin ang tungkol sa:
1. Nakikita mo ba ang iyong sarili bilang mayaman? Bakit o bakit hindi?
2. Ginagamit mo ba ang iyong 90 porsiyento nang may pananagutan? Sa anong paraan kailangan mong mabago kung paano mo pinangangasiwaan ang iyong mga pananalapi upang maging mas tapat kay Jesus?
3. Kailangan mo ba ng tulong sa paglikha ng isang plano para sa natitirang 90 porsiyento?
Manalangin:
Jesus, salamat at ginagawa mo akong mayaman! Ipakita mo sa akin kung paano kita pararangalan gamit ang lahat ng aking pera, hindi lang ang ikapu.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc