Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa
Ang katapatan ay nagbubunga ng responsibilidad.
Hindi lamang itinatabi ng isang mahusay na tagaplano sa pananalapi ang perang ipinagkatiwala ng kanyang mga kliyente. Matalino niyang ipinamumuhunan ito upang maiharap sa kanyang mga kliyente ang higit pa kaysa dati nilang pera. Sa tulad na paraan, tayo ay may responsibilidad na ipamuhunan ang bigay ng Diyos sa atin.
Nang nilisan ni Jesus ang mundo, ipinamahala Niya sa bawat isa sa atin ang maliit na bahagi ng Kanyang mga ari-arian. Si Jesus ay babalik, at sa Mateo 24, inihalintulad ni Jesus ang Kanyang pagbabalik sa isang panginoon na iniwan ang kanyang mga alipin na pamahalaan ang kanyang sambahayan. Tulad ng panginoon sa salaysay, pananagutin tayo ni Jesus para sa mga ibinigay sa atin. Ang mga mapagkakatiwalaan ng Diyos na matalino sa paggamit ng pera ay mabibigyan ng mas higit pa, at ang mga hindi mapagkakatiwalaan ay bibigyan ng mas kaunti. Hindi nagtatangi ang Diyos. Nais Niya na ang Kanyang kayamanan ay magamit sa pinakaepektibong paraan bago magbalik si Jesus.
Kung ibubulsa ng tagaplano sa pananalapi ang pera ng kanyang kliyente, hindi magtatagal ang kanyang negosyo. Ito ay totoo rin para sa atin. Ang Diyos ay nagbibigay ng higit na yaman sa mga taong gumagamit nito para sa Kanyang kaharian, at hindi lamang para sa kanilang sarili. Kapag tayo ay mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay, ipinapakita nito na mapagkakatiwalaan tayo sa malaking bagay.
Isipin ito:
1. Kung ikaw ang sarili mong tagaplano sa pananalapi, sisisantehin mo ba ang iyong sarili? Bakit o bakit hindi?
2. Paano ka naging matapat sa mga ibinigay sa iyo?
3. Ano ang tatlong paraan kung paano ka makapagsisimulang maging matapat sa maliit na bagay upang makapaghanda sa pagiging matapat sa malaking bagay?
Manalangin:
Jesus, salamat at ipinagkakatiwala Mo sa akin ang Iyong kayamanan. Ituro Mo sa akin kung paano ko ito ipamumuhunan para sa pinakahigit na kaluwalhatian Mo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc