Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 15 NG 28

Ang utang ay isang desisyon.

Ang "retail therapy" ay pamimili upang mapabuti ang pakiramdam o disposisyon. Sinasabi sa atin ng mundo na karapat-dapat tayo ng magagandang mga bagay kaya man o hindi nating bilhin ang mga ito. Kahit walang paunang bayad, maaari mong hulugan ang isang sasakyan, ipangutang ang isang bakasyon o bumili ng kumpletong gayak para sa silid-tulugan.

Madaling malibang sa pamimili ng mga bagong bagay upang mapabuti ang ating pakiramdam, habang sinasagad ang bayarin sa credit card. Kapag nagulumihanan na sa pagbabayad ng pagkakautang, bumibili tayo ng bagong gamit para pasayahin ang ating sarili. Madaling mahulog sa paulit-ulit na bagsik nito.

Bilang mga tagasunod ni Jesus, maaari tayong maging malaya sa pasanin ng utang. Namatay si Jesus upang palayain tayo mula sa lahat ng uri ng pang-aalipin, kabilang sa mga kumpanya ng credit card.

Ang pinansyal na pagkabilanggo ay isang desisyon. Ito ay isang pagpili na pagbigyan ang pansamantalang kasiyahan sa paggastos sa halip na magkaroon ng pangmatagalang kasiyahan na nagmumula sa pagsunod kay Jesus. Sa Mga Taga-Galacia 5:1, pinagsasabihan ni apostol Pablo ang iglesia ng Galacia na magpakatatag at huwag nang paalipin pang muli. Angkop pa rin ang bersikulong ito sa atin ngayon. Hangad ng Diyos para sa atin ang higit sa pinansyal na pagkagipit at isang tambak na bayarin. Si Jesus ay namatay para sa atin upang mabuhay tayo sa kalayaan, kabilang na ang kalayaan sa pagkakautang.

isipin ito:
1. Paano mo nararamdaman ang pagkaalipin dahil sa iyong mga pinansyal na pasanin?
2. Ano ang nais mong gawin kung may kalayaang pinansyal ka?
3. Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang makarating doon?

Manalangin:
Mahal na Jesus, Ikaw lamang ang makapupuno sa mga pananabik ng aking puso. Bigyan Mo ako ng lakas ng loob na mamuhay sa kalayaan sa halip na bumalik sa mga lumang bisyo.

Banal na Kasulatan

Araw 14Araw 16

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc