Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Kilalanin ang kaibahan ng ninanais sa pangangailangan.
Kadalasan, ang mga ninanais natin ay hindi ang ating kinakailangan. At kung tayo ay magiging tapat, tayo ay nabigyan nang higit-higit kaysa talagang kailangan natin. Kailangan natin ng pagkain, damit at tirahan. Nais pa natin ang lahat ng iba.
Kung ganoon, paano natin matatagpuan ang kagalakan kapag hindi natin nakukuha ang ating nais? Ang kasiyahan ay nakasalalay sa ating mga saloobin, hindi sa dami ng perang nakaimpok sa bangko. Kung ang ating laging hangad ay kumita ng mas maraming pera, madagdagan ang kasaganaan at makakuha ng mas higit na kayamanan para sa ating sarili, hindi natin ginagamit ang pera sa paraan na itinakda ng Diyos.
Ang pera ay isang kaparaanan na maipagkaloob ang ating mga pangangailangan, maipagkaloob ang mga pangangailangan ng ating kapwa at isang pagkakataon na magbalik sa Diyos bilang tanda ng pagsamba. Sa pagbibigay sa Diyos, ipinapahayag natin na hindi sa pera natin nakakamit ang kasiyahan, kundi kay Jesus. Si Jesus ang nagkakaloob sa atin. Ang pagmamahal sa pera nang higit sa Diyos ay nagbubunga ng sakit, pagkabigo at pagkakasala. Ngunit kapag nagtiwala tayo na ipagkakaloob ng Diyos ang ating mga pangangailangan, makakatagpo tayo ng kasiyahan sa Kanya.
Ang pera ay mauubos, ngunit ang Diyos na isang bukas-palad na tagapagkaloob ay kasama natin sa lahat ng panahon anuman ang mangyari. Siya ang nagkakaloob sa atin nang labis at higit pa sa ating inaasahan. Kapag nagtitiwala at sumusunod tayo sa Kanya sa ating pera at ating buhay, natatanggap natin ang Kanyang mayamang pag-ibig at ang pagbabagong nililikha nito sa atin.
Isipin ito:
1. Ano ang dalawang bagay na nais mo ngunit hindi mo talaga kailangan? Magtitiwala ka ba sa Diyos na ipagkaloob ang mga ito sa iyo (o na mapagtanto mong hindi mo ito kailangan)?
2. Sa gradong 1 hanggang 10, gaano ka kakuntento? Bakit mo pinili ang gradong iyon?
3. Ang pagiging hindi kuntento ay nag-uumpisa kapag naniniwala tayo na hindi hinahangad ng Diyos ang pinakamabuti para sa atin. Magbigay ng tatlong paraan na ang Diyos ay naging tapat sa iyo ngayong buwan na ito?
Manalangin:
Jesus, salamat at lagi Mong hinahangad ang pinakamabuti para sa akin. Tulungan Mo akong maging kuntento sa Iyo at sa Iyo lamang.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Mahalaga ang Pamilya Muna

Tagumpay Sa Kabila Ng Kahinaan

Pakikinig sa Diyos

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

May Power Ang Words Natin

Pagmamahal

Committed Siya Sa Iyo