Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 11 NG 28

Alamin kung saan napupunta ang iyong pera.

Si Pablo, isang alagad at tagapagtatag ng mga simbahan, ay kinilala bilang isa sa mga pinakamahusay na pinuno noong panahon niya. Ngunit sa pakikipag-usap ni Pablo sa isang bagong simbahan sa siyudad ng Corinto, sinabi niya sa kanila na ituring siya bilang isang lingkod at hindi isang pinuno. Bakit nais ni Pablo na malaman ng simbahan na siya ay isang lingkod?

Kapag napapagtanto natin na tayo ay lingkod, malugod na ibibigay natin sa Diyos ang pagpapatakbo ng lahat ng bahagi ng ating buhay - maging ang ating pananalapi. Tulad nang pagnanais natin na pamahalaan nang mahusay ng tagaplano ng pananalapi ang ating pera, nais ng Diyos na pamahalaan natin nang mahusay ang Kanyang pera. Ang pagiging mahusay na tagapamahala ng pera ay nangangahulugan ng pagiging maingat at mulat sa mga pag-uugali sa paggastos.

Ang budget ay isang kaparaanan na matulungan tayo na pamahalaan ang ating pera. Ang budget ay nagpapakita sa atin kung magkano ang perang papasok, at kung saan ito mapupunta. Ang budget ay nagtatakda sa atin ng responsibilidad na mag-impok para sa mga bagay na kailangan natin sa halip na bumili ng mga bagay na gusto lamang natin. Maraming napapangiwi kapag naririnig ang salitang "budget." Ngunit ang "budget" ay hindi masamang salita. Kailangan ang budget para sa mahusay na pamamahala ng pera.

Isipin ito:
1. Alam mo ba kung saan napupunta ang pera mo buwan-buwan? Ano ang pinakamalaking hamon sa iyo sa pagsusubaybay ng iyong paggastos?
2. Mayroon ka bang budget? Bakit o bakit hindi?
3. Anong hakbang ang maaari mong gawin ngayong linggo upang maging mas mahusay na tagapamahala ng pera?

Manalangin:
Jesus, napakarami ng ipinagkatiwala Mo sa akin. Tulungan Mo akong pamahalaang mabuti ang Iyong pera.

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc