Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Ang mahalaga ay ang saloobin.
Sa lumang programa sa TV na "Lifestyles of the Rich and Famous," ang tagapagtanghal na si Robin Leach ay naglibot sa mga mansyon at yate, nagbibigay ng malapitang tanaw sa pamumuhay ng mga taong ubod nang yayaman. Kung ihahambing sa mga may milyon-milyon, tila katiting ang ating mga kinikita. Subalit ang Diyos ay hindi napapabilib sa dami ng ating naimpok sa bangko. Siya ay masusing nakatuon sa kalagayan ng ating mga puso.
Sa Marcos 12, isinasalaysay ang kuwento ng isang biyudang mahirap na pumunta sa templo upang sumamba, Ang mga mayayaman ay nagsisidaan sa lagayan ng mga handog at naghuhulog ng malalaking halaga. Ngunit nang ihulog ng biyudang mahirap ang kanyang handog, tanging dalawang tansong barya lamang ang naibigay niya. Ang halaga ay wala pang kalahating sentimo.
Nang makita ni Jesus ang handog ng biyuda, sinabi niya sa kanyang mga alagad na ang inihandog ng biyudang iyon ay higit na marami kaysa sa inihulog nilang lahat. Sapagkat ang mayayaman ay nagkaloob ng bahagi lamang ng kanilang kayamanan, ngunit ang ibinigay ng biyudang iyon, bagama't siya'y mahirap, ay ang buo niyang ikinabubuhay. Ibinigay niya ang lahat, nagtitiwalang tutugunan ng Diyos ang kanyang mga pangangailangan,
Isipin ito:
1. Ikaw ba ay nagbibigay mula sa kasaganaan o nagbibigay nang may pagsasakripisyo?
2. Ano ang iyong susunod na hakbang pagdating sa pagbibigay?
3. Ang paghahambing ng ating mga handog sa mga handog ng iba ay madalas na nauuwi sa isang paligsahan. Ikaw ba ay nahulog na sa bitag ng paghahambing? Ano ang iyong natutunan sa karanasang iyon?
Manalangin:
Jesus, salamat na mas mahalaga sa Iyo ang kalagayan ng aking puso kaysa sa laki ng aking handog. Tulungan Mo ako na maging mas bukas-palad na tulad Mo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Mahalaga ang Pamilya Muna

Tagumpay Sa Kabila Ng Kahinaan

Pakikinig sa Diyos

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

May Power Ang Words Natin

Pagmamahal

Committed Siya Sa Iyo