Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

A bawat isa ay may kakayahang magbigay ng ikapu.
Isang mayamang tao sa Biblia ang may problemang kinakaharap na gusto ng maraming tao: Ano ang iyong gagawin kung napakarami ng iyong pagmamay-ari at wala ka nang paglagyan nito? Napakasagana ng ani ng taong ito, higit-higit pa sa magagamit niya at ng kanyang pamilya. Ngunit saan niya itatago ang labis? Napagpasyahan ng mayamang ito na ang perpektong solusyon ay ang pagtatayo ng mas malalaking mga kamalig upang guwardyahan ang kanyang kayamanan. Sa isang iglap, ang kanyang tila di-mayanig na kaharian ay gumuho na may kasamang pangaral mula sa Diyos.
"‘Hangal! Sa gabi ring ito'y babawian ka na ng buhay. Kanino ngayon mapupunta ang mga inilaan mo para sa iyong sarili?’ Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”” (Lucas 12:20-21).
Narito ang isang taong puno ng kasaganaan, ngunit sukdulan ng kasakiman. Nang dahil sa kanyang kasakiman ang taong ito ay sinalubong ng kanyang kamatayan. Iyong makikita na ang pagnanakaw sa Diyos—na nagbibigay-buhay sa lahat—ay mauuwi lamang sa mapagnakawan natin ang mga ating sarili ng tunay na buhay. Nais nating lahat na maging handa para sa hinaharap, ngunit paano mo babalansehin ang matalinong pag-iimpok at pagkabukas-palad?
Isipin ito:
1. Sa anong paraan mo malalaman kung ikaw ay nagiging sakim?
2. Paano tayo mapoprotektahan ng pagiging bukas-palad laban sa kasakiman?
3. Ano ang maaari mong ipamahagi ngayon?
Manalangin:
Jesus, napakarami ng pinagkakaloob Mo sa akin! Protektahan Mo ang aking puso laban sa kasakiman at ituro sa akin kung paano ako magiging bukas-palad ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning
More
We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Mahalaga ang Pamilya Muna

Tagumpay Sa Kabila Ng Kahinaan

Pakikinig sa Diyos

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

May Power Ang Words Natin

Pagmamahal

Committed Siya Sa Iyo