Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 2 NG 28

Ang lahat ay kay Jesus.

Kapag pinaghihirapan natin ang isang bagay, pakiramdam natin ay atin ito.
Ang pinagtatrabahuan man natin ay sweldo o pagpapalaki ng mga anak sa bahay, ang turing natin sa mga bunga ng ating pagsisiskap ay sa atin. Ngunit ang katotohanan ay ang buong daigdig at lahat ng naroroon ay pag-aari ng Panginoon. Hindi ito sa atin—ating mga bahay, ating mga sasakyan o ating mga pondo sa pagreretiro. Ang lahat ng mayroon tayo ay biyaya mula sa Diyos, at ang ginagawa natin sa mga ito ay mahalaga sa Kanya.

Dahil ang ating salapi ay pag-aari ng Diyos, mayroon tayong responsibilidad na pamahalaan ito nang tama. Sa Mateo 25, ikinuwento ni Jesus ang tungkol sa isang panginoon na nagkatiwala ng salapi sa kanyang mga tauhan. Isang tauhan ang hindi mabuti ang pamamahala sa kanyang natanggap kaya kinuha ng Diyos ang Kanyang salapi mula sa tauhang iyon at ibinigay sa isang masigasig na tauhan.

Pinagtitiwalaan tayo ng Diyos na pamahalaan ang ibinibigay sa atin. Kapag napapatunayan natin na tayo ay mapagtitiwalaan sa ibinibigay sa atin ng Diyos, maaari Niya tayong pagtiwalaan sa higit pa!

Isipin ito:
1. Napag-isipan mo na ba ang katotohanan na ang lahat ng ari-arian mo ay pag-aari ng Panginoon? Paano nito binabago ang pamamaraan mo ng pagpapasya sa pananalapi?
2. Kung titingnan ng Diyos ang iyong pananalapi ngayon, makikita ba Niya na ikaw ay isang tapat na tagapamahala? Bakit o bakit hindi?
3. Ano ang isang bagay ang maaari mong gawin ngayon upang maging mas mabuting tagapamahala ng yaman na ibinigay sa iyo ng Diyos?

Manalangin:
Jesus, ang lahat ng mayroon ako ay sa Iyo at ang buong pagkatao ko ay utang ko sa Iyo. Tulungan Mo ako na maging mabuting tagapamahala ng mga ibinigay Mo sa akin.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc