Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

ARAW 6 NG 14

May naghi-hinder ba sa iyo?

May mga gusto ka bang gawin or kailangang gawin pero may humahadlang? Baka may need kang gawin pero kulang ng pera, or kulang ng skills. Sometimes, puwede nating hanapan ito ng paraan, like puwede tayong maghanap ng way to earn more money, or we spend time to improve our skills.

For example, sa amin ni Mark, in our early years of marriage, nahirapan kaming mag-deal ng conflict. Most likely, part ng reason ay ang aming different upbringing and personalities, plus hindi kami trained sa healthy communication. So kinailangan naming maging intentional na matutuhan ang mga healthy communication skills, at nakatulong ito sa pag-improve ng aming relationship.

Sa Bible, may isang taong nangangailangan ng miracle, ngunit may naghi-hinder sa kanya. (Mababasa natin ang story nito sa John 5:1-15 ASND, Pagkatapos nito, pumunta si Jesus sa Jerusalem upang dumalo sa isang pista ng mga Judio. Sa isang pintuan ng lungsod ng Jerusalem, kung saan idinadaan ang mga tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Hebreo ay Betesda. Sa paligid nito ay may limang silungan, kung saan nakahiga ang maraming may sakit – mga bulag, pilay at mga paralitiko. [Hinihintay nilang gumalaw ang tubig, dahil paminsan-minsan, may isang anghel ng Dios na bumababa at kinakalawkaw ang tubig. Ang unang makalusong sa tubig pagkatapos makalawkaw ng anghel ay gumagaling, kahit ano pa ang kanyang sakit.] May isang lalaki roon na 38 taon nang may sakit. Nakita ni Jesus ang lalaki na nakahiga roon at nalaman niyang matagal na itong may sakit. Kaya tinanong siya ni Jesus, “Gusto mo bang gumaling?” Sumagot ang may sakit, “Gusto ko po sana, pero walang tumutulong sa aking lumusong sa tubig kapag kinakalawkaw na ito. Sa tuwing papunta pa lang ako, nauunahan na ako ng iba.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Tumayo ka, buhatin mo ang higaan mo at lumakad!” Agad na gumaling ang lalaki. Binuhat niya ang higaan niya at lumakad. Nangyari ito sa Araw ng Pamamahinga. Kaya sinabi ng mga pinuno ng mga Judio sa taong pinagaling, “Hindi baʼt Araw ng Pamamahinga ngayon? Labag sa Kautusan ang pagbubuhat mo ng higaan!” Pero sumagot siya, “Ang taong nagpagaling sa akin ang nag-utos na buhatin ko ito at lumakad.” Tinanong nila siya, “Sino ang nag-utos sa iyong buhatin ang higaan mo at lumakad?” Pero hindi nakilala ng lalaki kung sino ang nagpagaling sa kanya, dahil nawala na si Jesus sa dami ng tao. Hindi nagtagal, nakita ni Jesus sa templo ang taong pinagaling niya, at sinabihan, “O, magaling ka na ngayon. Huwag ka nang magkasala pa, at baka mas masama pa ang mangyari sa iyo.” Umalis ang lalaki at pumunta sa mga pinuno ng mga Judio. Sinabi niya sa kanila na si Jesus ang nagpagaling sa kanya.) Nandoon na siya sa Pool of Bethesda, kung saan ang paniwala ng lahat ay, once in a while, may angel na gumagalaw ng pool, at kung sino ang unang makapunta sa tubig ay syang makakatanggap ng healing.

Ang galing, 'di ba? The problem was, itong main character natin ay pilay. Siyempre, mabagal siyang gumalaw, eh, every time may gumagalaw sa pool, kahit anong effort niya, may nauuna talaga sa kanya.

Can you relate sa desperation na most likely napi-feel niya? Na kahit ano’ng gagawin mo, wala pa ring nangyayari?

Pero hindi dito nag-end ang story: si Jesus mismo ang lumapit sa taong ito at tinanong kung gusto niyang gumaling. And, ibinigay ni Lord sa kanya ang miracle na kailangan niya, kahit na may naghi-hinder sa kanya na lumapit sa healing niya.

(Panoorin ito sa ibaba: The Chosen, Season 2, Episode 4, Jesus Heals at the Pool of Bethesda.)

Kahit ano pa ang humahadlang sa iyo, pwede kang lumapit kay Jesus!

Tandaan mo, isa kang miracle!

Yen Cabag

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw