The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa
Takot ka ba sa ‘dark’ things?
Matatakutin ka ba? I don’t mean takot sa ahas or spider, but more of sa mga ‘spirits,’ or ‘demons.’
Noong Grade 1 ako, may mga classmates akong mahilig mag-share ng mga kuwento about sa multo. Sa sobrang active ng imagination ko, hindi ako makatutulog dahil sa mga horror stories na iyon! To the extent na kinausap talaga ng mama ko ang dalawang classmates kong iyon! Since then, ayokong manood ng mga horror movies. Even now, may friend kaming natatakot mag-isa sa bahay kapag gabi, dahil sa mga horror movies na napapanood niya.
Ikaw ba, natatakot ka ba sa mga ganito? In reality, nawala na lang ang takot ko sa mga ‘spiritual’ beings noong nakilala ko na si Jesus. Nabigyan ako ng lakas knowing na kasama ko Siya wherever I go, and alam kong takot sa kanya ang mga multo-multo.
Kaya gustung-gusto ko ang mga scenes sa Bible na nagpapakita ng power ni Jesus over demons. For example, sa Mateo 8:28-34 (Nang dumating siya sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking galing sa mga kwebang libingan. Ang mga lalaking itoʼy sinasaniban ng masasamang espiritu. Napakababangis nila, kaya walang nakakadaan doon. Sumigaw sila kay Jesus, “Ano ang pakialam mo sa amin, ikaw na anak ng Dios? Pumunta ka ba rito para pahirapan kami nang wala pa sa takdang panahon?” Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng baboy na nanginginain. Nakiusap ang masasamang espiritu sa kanya, “Kung palalayasin mo kami, payagan mo na lang kaming pumasok sa mga baboy na iyon.” Sinabi ni Jesus, “Sige, umalis kayo!” Kaya lumabas ang masasamang espiritu sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang buong kawan ng baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod. Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng mga baboy papunta sa bayan at ipinamalita ang nangyari sa mga baboy at sa dalawang lalaking sinaniban ng masasamang espiritu. Kaya lumabas ang lahat ng tao sa bayan at pinuntahan si Jesus, at nakiusap sila na umalis siya sa lugar nila), may dalawang demon-possessed na taong lumapit kay Jesus. Sa isang salita lang ni Jesus, umalis agad ang demons sa katawan ng mga tao, at naging free na sila. (Puwede mo itong panoorin sa ibaba: The Chosen, Season 2, Episode 5: Healing of the Demoniac.)
Nakikita mo ba? Kapag nandyan si Jesus, hindi natin kailangang matakot sa mga demons, dahil mas powerful si Jesus. If He’s in our hearts, may power din ang words natin against the works of the enemy.
Basahin natin aloud itong Bible passage, everyday, if needed:
Ngunit mga anak ko, kayoʼy sa Dios at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad at sinungaling na propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay higit na makapangyarihan kaysa kay Satanas, na siyang naghahari ngayon sa mga makamundo. (1 Juan 4:4 ASND)
Isa kang miracle!
Yen Cabag
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw