The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa
Sino ka ba?
Who are you? Kapag marinig mo ang tanong na ito, ano ba ang first thing na sinasabi mo? For example, isipin mong nasa isang party ka at nagpapakilala sa mga taong ngayon mo lang nakasalamuha. After mong sabihin ang pangalan mo, ano ba ang next na sinasabi mo? Is it, “Hi, ako si _______, I work at _______?” Kung hindi mo man automatic sinasabi ang work mo, hindi ba usually ito ang unang tinatanong natin sa isa’t-isa, “Saan ka ba nagwo-work?”
Malamang naging nakagawian nating i-associate ang identity natin sa ating career or course nung college (na pinili natin papunta sa specific na career). Baka dahil dito kaya ang value natin sa sarili ay nakatali din sa things like income, position, at status.
Pero alam mo ba na hindi ito ang tinitingnan ni God? Nakasulat sa 1 Samuel 16:7 (ASND):
Pero sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso.”
Nakikita mo ba? Si Lord ay nakatingin sa heart natin, hindi sa ating outside appearance; hindi sa ating career or anything external.
At alam mo ba, si Jesus mismo, aware na aware sa Kanyang identity. Alam Niyang God Siya. Hindi madadala ang identity Niya ng kung ano’ng mga nagagawa Niya. Ang challenge lang, may mga taong nahihirapan maniwala sa sinasabi Niya. Panoorin natin ang video clip sa ibaba, The Chosen, Season 3, Episode 3: Jesus says He is God.
Ikaw ba, sino ba si Jesus sa iyo? We believe na makaka-affect ito sa pagtingin mo sa sarili mo.
Tandaan mo, isa kang miracle!
Yen Cabag
Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw