Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

ARAW 10 NG 14

Kung may isang bagay kang puwedeng palitan sa sarili mo, ano ito?

Mayroon ka bang gustong palitan sa self mo? May mga taong gustong ayusin ang kanilang buhok o figure. Meron namang gustong mag-grow sa public speaking or relational skills.

For me, isang struggle ko ang pagmanage ng stress. Sa mga times when I couldn’t handle it well, nagiging masungit ako sa mga kids at kay Mark. I’m happy to say na these past few months, I learned a lot sa pag-manage ng stress, kaya na-lessen din ang mga conflict namin sa family.

Nakaka-relate ako sa magkapatid na James and John na disciples ni Jesus. Sa Bible, tinatawag silang Sons of Thunder, dahil lagi daw silang explosive ang emotions. Sa isang pagkakataon sa Bible, nai-record ang reaction nila sa mga taong nag-reject sa kanila:

Pero ayaw [si Jesus] tanggapin ng mga taga-roon dahil alam nilang papunta siya sa Jerusalem. Nang malaman iyon ng mga tagasunod ni Jesus na sina Santiago at Juan, sinabi nila kay Jesus, “Panginoon, gusto nʼyo po bang humingi kami ng apoy mula sa langit para sunugin sila?” Pero lumingon si Jesus at pinagsabihan sila, “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang nasa inyo. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang iligtas ang mga tao at hindi upang ipahamak sila.” (Luke 9:53-56 ASND)

(Panoorin ang scene na ito sa ibaba: The Chosen Season 2 Episode 1: Sons of Thunder.)

Madali palang mag-isip ng paghihiganti ano? Sa nangyari kay James and John, hindi pala ito ang way ni Jesus to deal with the people who rejected Him. Gusto Niyang iligtas ang mga tao at hindi ang ipahamak sila.

Minsan ba’y nahihirapan ka din mag-respond sa mga tao? OK lang na ikuwento mo ito kay Jesus, dahil alam na Niya ang mga weaknesses mo, at tanggap ka pa rin Niya.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Yen Cabag

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw