The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa
Alam mo bang may nakakakita sa iyo?
May favorite song ka ba? Kung mayroon, ano ba ang reason bakit gusto mo ito? Is it dahil sa melody or sa lyrics?
Marami akong favorite songs. Pero one song na naging memorable sa akin ay ang “He Knows My Name.” First time ko itong marinig noong pumunta ako sa isang Christian church. During that time, feeling depressed ako at parang walang purpose sa buhay. Nag-start akong magbasa ng book na “Purpose-Driven Life,” at nakakita ako ng poster sa isang mall, na may church kung saan pinag-aralan ang book na ito over several weeks. Kaya pumunta ako doon. Noong kinanta itong song, parang naramdaman kong kinakausap ako ni Lord, at sinasabi Niyang nakikita Niya ako, at alam Niya ang pinagdadaanan ko.
Sa Bible, parang may ganoong experience din si Nathanael. Hindi natin alam kung ano’ng pinagdadaanan niya, pero nagulat siya noong na-meet nya si Jesus. Basahin natin ang nangyari sa susunod na passage:
Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Jesus, “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, nakita na kita habang nasa ilalim ka ng puno ng igos.” (Juan 1:48 ASND)
Panoorin natin ang scene na ito sa ibaba, The Chosen, Season 2 Episode 2: Nathanael Crying Out to God. Sa imagined scene na ito, ang tinutukoy ni Jesus na “habang nasa ilalim ka ng puno ng igos,” ay isang pagkakataon kung saan buong-pusong nananalangin si Nathanael kay God. Kaya pala gulat na gulat si Nathanael at biglang nagdeklara na, “Guro, kayo nga ang Anak ng Dios! Kayo ang hari ng Israel!” (Juan 1:49 ASND)
Alam mo bang nakikita ka rin ni Jesus? Kahit ano pa ang pinagdadaanan mo ngayon, nandiyan Siyang kasama mo. Mahal na mahal ka Niya, kaya lagi Siyang nakatingin sa iyo.
Tandaan mo, isa kang miracle!
Yen Cabag
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw