Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

ARAW 8 NG 14

Ano ba ang favorite fairy tale mo?

May favorite story or fairy tale ka ba noong bata ka pa? Ano ito? Sino’ng character ang pinaka-memorable sa iyo?

For me (Yen), favorite story ko ang Mulan. Naka-relate ako sa experience ni Mulan na hindi niya puwedeng ilabas ang totoo niyang personality dahil may ibang expectation ang Chinese family niya. Si Mark naman, favorite niya ang Chronicles of Narnia. Yes, napanood namin ang movie, pero memorable ang experience niya noong una niyang nabasa ang book na ito—noong adult na siya at may mga anak na kami!

Bakit namin naitanong ito? Alam mo ba powerful pala ang effect ng stories sa atin? More than sa mga tips, advice, at mga informational articles, mas nag-i-stick pala sa minds and hearts natin ang mga stories na ating nababasa, napapanood, or naririnig. In fact, naaalala ko pa until now ang mga kuwento ng kasambahay namin about sa mga adventures nila sa bukid—minsan, iniisip ko baka dahil doon kaya mas gusto kong manirahan sa bukid ngayon.

Sabi ng mga Bible teachers, ito ang reason kung bakit known si Jesus sa pagkukuwento ng mga parables. Ang mga parables ay, in simplest terms, short stories na may pinapakitang katotohanan.

For example, isa sa mga famous parables Niya ang tungkol sa magsasaka. Pinakita Niya dito na ang Word of God ay tulad daw ng magsasaka na nagtatanim ng binhi; may mga times na magiging fruitful ang seed, mayroon ding hindi, depende kung saan ito napunta: sa thorny ground ba na na-choke ang seedlings, or sa good soil kung saan pwede itong mag-grow at maging fruitful? (Matthew 13:18-23 ASND, “Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik: Ang tabi ng daan, kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Dios pero hindi nakaunawa. Dumating si Satanas at inagaw ang salita sa kanilang puso. Ang mabatong lugar, kung saan nahulog ang ibang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios at masaya itong tinanggap agad. Ngunit hindi taimtim sa puso ang kanilang pagtanggap, kaya hindi tumagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng kahirapan o pag-uusig dahil sa salita ng Dios na kanilang tinanggap, agad silang tumatalikod sa kanilang pananampalataya. Ang lupang may matitinik na damo, kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios. Ngunit dahil sa mga alalahanin dito sa mundo at sa paghahangad na yumaman, nakalimutan nila ang salita ng Dios, kaya hindi namunga ang salita sa buhay nila. Ngunit ang mabuting lupang hinasikan ng binhi ay ang mga taong nakikinig sa salita ng Dios at nakakaunawa nito. Kaya namumunga ito sa kanilang buhay. Ang ibaʼy napakarami ang bunga, ang ibaʼy marami, at ang iba namaʼy katamtaman lang.”)

(Panoorin ito sa ibaba: The Chosen, Season 3, Episode 8: Parable of the Sower.)

Ikaw ba, anong klaseng soil ba ang gusto mo sa heart mo?

Tandaan mo, isa kang miracle!

Yen Cabag

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw