Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

ARAW 1 NG 14

Kailangan mo ba ng miracle?

May pinagdadaanan ka ba ngayon na sa tingin mo ay wala ng way out? Yun bang tipong wala na talagang solusyon sa problema at tapos na ang lahat?

Mahirap mawalan ng pag-asa. Alam mo bang ganito rin ang pakiramdam ng maraming taong naka-encounter kay Jesus noong naglalakad Siya sa mundo? Maraming may mga sakit na hindi kayang gamutin ng mga doktor; may mga namatay na nag-iwan ng sawing pamilya, na, understandably, nakakaramdam ng kawalang pag-asa maging masaya muli.

May magandang scene akong napanood sa The Chosen, Season 3 Episode 5. Sa episode na ito, nagmamadali si Jairus na hanapin si Jesus dahil may sakit ang kanyang pinakamamahal na anak. Pero hindi sila umabot; habang kasama pa niya si Jesus, may dumating na nagsabing namatay na ang anak niya.

Can you imagine ang reaksyon ng tatay sa balitang ito? Ginawa mo na nga ang lahat, mapapasayang ka lang. Nahanap mo nga si Jesus, eh, too late naman! Wala na ang lahat, dahil patay na siya.

(Pero alam mo, I was moved dahil sa sobrang compassion sa mukha ni Jesus sa nakita Niyang pain na nararamdaman ni Jairus. Hindi pala emotionless ang God natin; Siya man ay natutuwa at nakakaramdam din ng sakit!)

Then, sumama Siya sa bahay at sinabing hindi daw patay ang bata, kundi tulog lang. Pinagtawanan Siya ng lahat ng nandoon. Syempre, kung ikaw kaya iyon, maniniwala ka bang may magagawa pa Siya? Pero pinaalis Niya ang lahat, parang hindi nga maiintindihan ang ginagawa Niya. At ayun! Nabuhay ulit ang bata!

(Panoorin natin ang video clip sa ibaba: The Chosen Season 3 Episode 5: Jesus Heals Jairus Daughter.)

Nakikita mo ba? Si God ay isang miracle-maker. Ang akala nating wala ng way out, kaya Niyang baguhin.

Isa kang miracle!

Yen Cabag

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Banal na Kasulatan

Araw 2