The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa
Ano ba ang mga pinagpe-pray mo?
May experience ka bang mag-pray for something, at nakuha mo ito? Ano’ng mga bagay ba ang mga pinagpe-pray mo? Lahat ba kinukuwento mo kay Lord? Or ang mga mabibigat lang na problema?
Noong bata ako, ang tingin ko kay God ay parang si Santa Claus, na pwede kang humingi ng kahit anong gusto mo. Magandang pakinggan, di ba? Pero, parang kay Santa Claus din, na kailangang mabuti kang bata para ibigay Niya ito. Parang genie din ata, kasi tinuturuan kaming mag-pray sa lahat ng kailangan.
May advantage at disadvantage ang mindset na ‘to. On the one hand, disadvantage ito, kasi, nagagawa Siyang parang vendo machine; in truth, mas gusto Niyang magkaroon ng close relationship sa atin. On the other hand, puwedeng advantage ito, kasi natuturuan tayong pumunta sa Kanya kahit ano ang kailangan natin. Minsan kasi, pag adult na tayo, feeling natin ayaw natin Siyang istorbohin sa mga maliliit na bagay. May ganung feeling ka din ba?
Pero alam mo ba, walang maliit na bagay kay Jesus. Yes, gusto Niyang kausapin natin Siya as a friend. Pero that doesn’t mean na puwede lang natin Siyang lapitan kapag nalulunod na tayo sa problema. Kahit mga simple needs natin, pwede pala nating dalhin sa Kanya.
Ito ang nagustuhan ko sa isang scene sa The Chosen, Season 3 Episode 4: Jesus Heals a Broken Leg (video sa ibaba). May isang taong lumapit kay Jesus dahil may infection ang paa niya. Minsan maiisip natin na may specific miracles lang na gustong gawin ang Panginoon. Pero kahit ano pala ang need natin, pwede nating ilapit sa Kanya.
May kailangan ka ba ngayon na hindi mo pa nadadala sa Kanya? Today, puwede mo itong dasalin, “Lord, kailangan ko ng __________. Puwede Niyo ba akong tulungan? Amen.” Kapag nadasal mo ito, believe na narinig ka Niya.
Isa kang miracle!
Yen Cabag
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw