Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

ARAW 9 NG 14

Ano ang gusto mong gawin sa life mo?

Kung hindi issue ang pera, ano ba ang gusto mong gawin sa buhay mo? Ang current job mo ba ang nakikita mong pinakagusto mong gawin? A lot of the time, marami sa atin ang na-stuck lang in something because we feel na wala na tayong choice.

Pero sa totoo lang, hindi pala ang career or money ang nagde-determine ng worth natin. Kahit sa Bible, hindi si Jesus pumili ng specific trade lang para maging disciples Niya. Iba-iba rin ang kanilang mga trabaho. May fisherman, may tax collector, may kung anu-ano pa.

Pero nakakatuwang tingnan na kahit ano ang kanilang background, Jesus accepted them bilang mga kasama. Nakikita mo ba? Kahit ano pala ang ating station in life, puwede tayong sumama kay Jesus!

At higit pa rito, sa Matthew 10:1 (Tinawag ni Jesus ang kanyang 12 tagasunod at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng anumang sakit at karamdaman.), makikita nating binigyan Niya rin sila ng power din over sicknesses and demons! So, hindi lang si Jesus ang nakakagawa ng miracle; pati mga disciples Niya, binigyan Niya rin ng ganitong authority!

(Panoorin ito sa ibaba: The Chosen Season 3 Episode 2: Two By Two.)

Ikaw ba, nagku-question ka din ba kung magagamit ka ni Jesus? Kung titingnan natin itong passage sa Bible, na-e-encourage ako, dahil alam kong ang mga kasamahan Niya’y mga taong tulad din nating may mga weaknesses. So, kaya Niyang gamitin ang mga katulad natin!

Ito ang challenge ko sa iyo today. Naranasan mo na bang i-offer ang life mo kay Jesus? Baka gusto mong ipag-pray ito with me, “Jesus, thank You na mahal Mo ako at binigay Mo ang buhay Mo for me. I want to live my life for You. Turuan Mo ako. Amen.”

Tandaan mo ito, isa kang miracle!

Yen Cabag

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw