The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa
Mahilig ka ba sa superheroes?
Kung pipili ka ng favorite superhero mo, sino ba ang pipiliin mo? Si Superman, si Spiderman, o si Iron-Man? At bakit ba siya ang pinili mo? Dahil ba sa specific na superpower?
Marami sa kanila, gaya nina Superman, Batman, at Spiderman, hindi nalalaman ng mga tao kung sino sila in real life. Kapag may news ng isang crime, ang isang mukhang-ordinaryong tao ay bigla na lang nagsusuot ng costume—hindi para magkaroon ng power, kundi para itago ang kanyang identity—at sure na sure na huhulihin o tatalunin nito ang criminal.
At ang isa pang common theme ng mga superhero stories ay, lagi silang nandoon kapag may nangangailangan. Kapag may nangyaring masama, hintay ka lang ng konti, siguradong darating si superhero at maaayos nito ang lahat.
Sa Pilipinas, mabilis nating i-associate si Jesus kay God dahil sa exposure natin sa mga religious pictures. Pero ma-imagine mo ba ang feeling ng mga unang disciples noong nakilala nila ang taong si Jesus? Yes, tao Siya, pero may other identity pala Siyang hindi alam ng lahat. Kung tutuusin, parang superhero, pero even better, dahil totoo Siyang tao at hindi part of fantasy world sa comics or movie. At hindi lang Siya superhero, kundi God mismo!
Panoorin natin ang video clip na ito sa ibaba, The Chosen, Season 2, Episode 1: John Writes John 1:1.
Balik tayo sa second theme ng mga favorite superhero movies natin: hindi ba, every time na kailangan sila, agad silang dumarating? Alam mo ba ganyan din si Jesus towards us? Nakasulat sa Book of James sa Bible:
Lumapit kayo sa Dios at lalapit din siya sa inyo. (Santiago 4:8 ASND)
May kailangan ka ba ngayon? Humingi ka ng tulong kay Jesus, at gusto Niyang tumulong. Puwede mong i-pray ito, “Lord, kailangan ko ng help Mo sa _________, Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Yen Cabag
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw