Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

ARAW 2 NG 14

May maliit ka bang alay ngayon?

Ano ba ang mga favorite memories mo noong bata ka pa? Nakapaglaro ka ba sa labas ng bahay, tatawagin na lang umuwi kapag hapunan na? Nakipaghabulan ka ba sa mga kalaro mo hanggang sa hinihingal ka na sa katatakbo?

Masarap isipin muli ang mga araw na bata pa tayo at walang iniintindi, hindi ba? Kung young adult ka na ngayon, malamang may mga responsibilities ka nang iniisip araw-araw. If ikaw na ang kumikita ng income, may mga bills na kailangan bayaran, at may mga chores din na dapat regularly ginagawa. Sometimes, nadadala tayo sa worries natin.

May isang ganitong nangyari sa time na nandito si Jesus kasama ang mga disciples Niya. Maraming sumama sa Kanya na gustong magkaroon ng healing, o makinig sa mga words Nya na nagbibigay sa kanila ng lakas-loob. But one time, nagworry ang mga disciples Niya dahil napakarami na ng tao at napakalayo pa nila sa mabibilhan ng pagkain. (Mateo 14:13-21 ASND. Nang mabalitaan iyon ni Jesus, sumakay siya sa isang bangka at pumunta sa isang tahimik na lugar. Nang malaman ng mga tao mula sa ibaʼt ibang bayan na nakaalis na si Jesus, lumakad sila patungo sa lugar na pupuntahan niya. Kaya nang bumaba si Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Naawa siya sa kanila at pinagaling niya ang mga may sakit sa kanila. Nang gumagabi na, lumapit kay Jesus ang mga tagasunod niya at sinabi, “Nasa ilang na lugar po tayo at dumidilim na. Paalisin nʼyo na po ang mga tao para makapunta sila sa mga nayon at nang makabili ng pagkain nila.” Pero sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi na nila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Mayroon lang po tayong limang tinapay at dalawang isda.” “Dalhin ninyo ang mga ito sa akin,” ang sabi ni Jesus. Inutusan niya ang mga tao na maupo sa damuhan. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod niya, at ibinigay naman nila ito sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng 12 basket. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga 5,000, maliban pa sa mga babae at mga bata.)

Alam mo ba kung ano ang nangyari? Sinabi ni Jesus sa kanila na sila raw ang magpapakain sa libu-libong taong kasama nila. Gulat na gulat ang mga disciples, at hindi nila alam ang gagawin. Pero may isang batang nag-alay ng kanyang dalang isda at tinapay. Malamang may idea ka na kung ano’ng nangyari sa pagkaing ito: kinuha ito ni Jesus at nagperform Siya ng miracle kung saan ang limang pirasong tinapay at dalawang isda ay naging sobrang-sobra pa sa needs ng 5,000 people na nandoon.

Panoorin natin ito sa ibaba: The Chosen Season 3 Episode 8: Jesus Feeds the 5,000.

Ikaw ba, mayroon ka bang maliit na pwedeng ialay kay Jesus? Kahit na feeling mo kulang ito, try mo lang na ibigay lang ito sa Kanya. Alam Niya kung paano gamitin ang maliit na alay sa kailangang mangyari.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Yen Cabag

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw