Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

The Chosen: Mga Miracles Ni JesusHalimbawa

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

ARAW 3 NG 14

Na-out of place ka ba?

Naka-experience ka na bang ma-out of place? Maaaring nangyari ito sa isang party na wala kang kakilala. Parang madali lang ito kasi once lang nangyari. Or baka nangyari ito sa classroom or sa workplace, kung saan, everyday, parang ang lahat ay magkakampi, or may nambu-bully sa iyo, or may nagawa kang na-ostracize ka. Ito ang mas mahirap.

Sa Bible, may isang babaeng outcast: may sakit siyang nagiging sanhi ng bleeding; ma-imagine mo na ilang years na siyang naghahanap ng solusyon pero walang magawa ang mga doktor. Sa mga Jews, considered unclean ka kapag may bleeding, kaya walang gustong lumapit sa babaeng ito, dahil magiging unclean din sila. (Luke 8:42-48 ASND. Dahil naghihingalo ang kaisa-isa niyang anak na babae na 12 taong gulang. Habang papunta si Jesussa bahay ni Jairus, nagsisiksikan sa kanya ang mga tao.May isang babae roon na 12 taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino. [Naubos na lahat ang mga ari-arian niya sa pagpapagamot.] Nang makalapit siya sa likuran ni Jesus, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Jesus, at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo. Nagtanong si Jesus, “Sino ang humipo sa akin?” Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Guro, alam nʼyo naman po na napapaligiran kayo ng maraming taong nagsisiksikan papalapit sa inyo.” Pero sinabi ni Jesus, “May humipo sa akin, dahil naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin.” Nang malaman ng babae na hindi pala lihim kay Jesus ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Jesus. Pagkatapos, sinabi niya sa harapan ng lahat kung bakit niya hinipo si Jesus, at kung paanong gumaling siya kaagad. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa.”)

Can you imagine yourself in her shoes? May sakit ka na nga, wala pang gustong lumapit sa iyo. Ang mas masakit pa, hindi mo naman ito kasalanan, pero ikaw ang napaparusahan.

Pero alam mo kung ano ang nangyari? Nang marinig nitong babae ang about kay Jesus, na Siyang tagapagpagaling, naghanap siya ng paraan upang makalapit sa Kanya. At, hindi nga siya nag-dare na lumapit sa Kanya ng harap-harapan; instead, inabot niya ang kamay at hinawakan ang damit ni Jesus. At surprise! Biglang nag-stop ang kanyang bleeding! Magaling na siya!

(Maaari mong panoorin ang scene na ito sa ibaba: The Chosen Season 3 Episode 5: Jesus Heals Bleeding Woman.)

At hindi ito natapos doon. Hindi pinabayaan ni Jesus na basta gumaling ang babae nang hindi Niya makausap. Hinanap talaga Niya!

Nakikita mo ba? Walang out of place kay Jesus. Kahit ayaw tayong makasama ng ibang tao, gusto tayo i-embrace ni Jesus.

Today, i-pray natin ito, “Jesus, nalulungkot ako kapag may ayaw sa akin. Iparamdam Niyo po sa akin na gusto Niyo ako, Amen.”

Isa kang miracle!

Yen Cabag

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

The Chosen: Mga Miracles Ni Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/may-himala-araw-araw