Pagbibigay ng Lahat... At Pagbawi Muli ng LahatHalimbawa
Pagpapasa ng Pamana
Ang ating trabaho bilang matatalinong mga katiwala ay ipasa ang yaman–lahat ng anyo nito–sa mga susunod na henerasyon. Ang pagpapasa ng yamang pinansiyal ang pinakamadaling uri ng puhunang ipasa, ngunit sa karamihang kaso, ito ang marapat na huling uri ng kayamanang ipasa dahil sa taglay nitong panganib.
Alam kong maraming nagbabasa nito ay hindi ituturing na sila'y mayaman sa pananalapi, at ayos lang ito. Tayong lahat ay tagapangasiwa ng kuwentong ibinigay sa atin ng Diyos. Ito ay isang magandang kuwento. May mga elemento ng pasakit at dakilang kagalakan. Ngunit ito ay ating kuwento. Ito ay isang kuwento ng pagtubos at pag-asa.
Hayaan akong magsalita bilang isang ama, at isang lolo rin, pati sa mga nagbabasa nito. Ang panawagan sa atin sa panahon ngayon ay ang pangalagaan at ipasa ang ating kuwento–ang ating pamana–sa mga susunod sa atin. Sa ating mga anak. Sa ating mga apo. Sa ating mga apo sa tuhod. Kahit sa mga batang hindi na natin makikilala o makikita.
Sa tingin ko ay nilayon ng Diyos na ang isang henerasyon ang magsasabi sa susunod, at sila naman ang magsasabi sa susunod. Ito ay magiging isang patuloy na kuwento. Narito ang aming marubdob na panawagan: kung muli nating igigiit ang ideyang ito–kung ibibigay natin ang ating buhay sa ideya ng pagpapasa ng kayamanan sa mga susunod na henerasyon–babalik ang lahat ng ito sa atin sa anyo ng mga susunod na henerasyong maninindigang tapat na sumunod kay Cristo.
Marahil ito na ang panahong nananawagan ang Diyos sa mga lalaki, babae, at mga bata na ipamuhay ito -na mabuhay para sa mga ideyang mas makabuluhan kaysa sa kanilang sarili at mamuhunan sa mga bagay na mas makabuluhan kaysa sa kanilang sarili. At kung gagawin natin ito, magdadala tayo ng pangmatagalang pagbabago at pag-asa sa ating mundo.
Aplikasyon: Isang bagay ang mabigyang-inspirasyon ng isang debosyonal na pag-aaral, ngunit ibang bagay pa ang gawin ang dapat gawin dahil sa ating natututunan dito. Ano ang maaari mong gawin upang gawing prayoridad ang iyong pamana sa iyong buhay?
Ang gabay sa pagbabasa na ito ay hango sa aklat na, Give It All Away. . . at Getting It All Back Again, ni David Green, CEO at founder ng Hobby Lobby. Mag-order ng kumpletong libro online. www.mardel.com/david_green
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kinuha mula sa librong, Giving It All Away... and Getting It All Back Again, ibinahagi ni David Green, nagtatag at CEO ng Hobby Lobby, na ang isang bukas-palad na buhay ay naghahandog ng pinakamagandang personal na gantimpala, nagbibigay ng isang matibay na pamana sa iyong pamilya, at nagbabago sa iyong mga nakakasalamuha.
More